Skip to main content
Mga Paksa

Mga Resource sa Sekswal na Pag-atake

Sa TikTok, layunin naming gumawa ng kumunidad na laging sumusuporta at maituturing na kaibigan. Nauunawaan naming maaring madaling bumalik ang trauma para sa mga survivor ng sekswal na pag-atake at nakatuon kami sa pagtataguyod ng makakatulong na kapaligiran para sa mga survivor ng sekswal na pag-atake.

Kung kailangan mo ng tulong, sana ay makatulong ang mga resources at impormasyon sa page na ito para magabayan ka sa iyong pinagdadaanan na mahirap na panahon.

Kung sa palagay mo ay nasa panganib ka, pakikontak ang mga local emergency services.

Impormasyon at suporta para sa mga survivor

Dapat mong malaman na hindi mo iyon kasalanan

Sinisisi ng maraming survivor ng sekswal na pag-atake ang kanilang sarili sa pang-aabusong naranasan nila. Dapat mong tandaan na kahit kailan, hindi mo kasalan ang pagdanas ng sekswal na pag-abuso. Wala kang ginawa, isinuot, sinabi, o anupamang bagay na nagbibigay ng katuwiran sa pang-aabuso.

Tingnan ang mga serbisyo para sa suporta

Kung nakaranas ka ng sekswal na pag-atake, o may kakilala kang nakaranas ng sekswal na pag-atake, hindi ka nag-iisa, at mayroong nakahandang tulong.

Hindi nangyayari ang trauma pagkatapos lamang makaranas ng sekswal na pag-atake. Maari rin itong bumalik kapag may mga bagay na nagpaalala sa nakaraang pag-atake. Puwede itong magresulta sa maraming kumplikadong emosyon para sa mga survivor ng sekswal na pag-atake.

Malaki ang maitutulong ng pakikipag-ugnayan. Kung kailangan mo ng payo, suporta, o impormasyon pagkatapos makaranas ng sekswal na pag-atake o nakaka-trauma na pangyayari, tingnan ang mga listahan ng hotline sa ibaba ng page na ito.

Makipag-usap sa taong pinagkakatiwalaan mo

Alam naming hindi madaling pag-usapan ang tungkol sa naranasan mo at humingi ng tulong. Pero ang pakikipag-usap sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan o miyembro ng pamilya tungkol sa sekswal na pag-atake o pang-aabusong naranasan mo ay isa sa mahahalagang unang hakbang na posibleng makagawa ng malaking pagbabago sa pagpapagaling mo.

Humingi ng suporta o pag-isipang sumali sa isang support group

Hindi ka nag-iisa. Nalampasan ito ng iba pang nakaranas din nito. Malaking bagay na makakatulong sa pag-recover mo ang pakikipag-usap sa iba na dumanas ng parehong mga karanasan. Nagho-host ng mga support group ang mga rape crisis centre at iba pang organisasyon ng lokal na komunidad. Puwedeng magandang resource ang mga grupong ito para makipag-usap sa iba na nakakaunawa sa trauma na naranasan mo. Kontakin ang isa sa mga hotline sa ibaba para makahanap ng impormasyon tungkol sa mga lokal na support group.

Matutuhang magsanay ng pangangalaga sa sarili

Ang pangangalaga sa sarili ay pagpapahalaga sa iyong sarili kapag masyadong nahihirapan dulot ng trauma at stress ang iyong mental at emosyonal na kalagayan. Ang palaging pag-aalaga sa sarili ay tungkol sa pag-unawa sa kung anong mga aktibidad ang pinakamakakatulong sa iyong mental at emosyonal na kalusugan. Makatulong sa iyong pisikal na kalusugan ang pagtulog nang sapat, pagkain nang wasto, at pag-eehersisyo. Puwede ring magandang paraan ang pagbibigay ng oras sa mga aktibidad na gustong-gusto mo at patuloy na pakikipag-usap sa mga kaibigan para mapanatili ang emosyonal na kalusugan.

Para sa mga kaibigan at pamilya

Ang sasabihin kapag sinabi ng isang mahal sa buhay na nakaranas siya ng pag-abuso

Normal lang na hindi mo alam kung ano ang sasabihin o gagawin kapag sinabi sa iyo ng isang taong mahal mo ang tungkol sa sekswal na pag-atake o pang-aabuso. Una, ipaalam sa taong nagbahagi ng kanyang kuwento sa iyo na pinahahalagahan mo ang pagbabahagi niya.

Pangalawa, mahalaga ang pakikinig. Bagama’t palagi tayong nakakundisyong magbigay ng payo, mas magandang gamitin ang panahong ito para pakinggan at suportahan ang survivor na nagbabahagi ng kanyang kuwento sa iyo. Kahit pa hindi mo gustong maging judgmental, puwedeng magkaroon ng negatibong epekto sa kanyang karanasan ang mga pahayag ng pagdududa sa mga pagkilos ng survivor. Halimbawa, puwede niyang maramdaman na siya ang dapat sisihin sa pag-atake kung ang mga tanong o pahayag ay nagsisimula sa “Bakit hindi mo…?” o “Kung ako iyon…” o “Dapat ganito ang ginawa mo…”

Pangatlo, puwede ka ring mag-alok ng tulong. Ang pagtulong sa iyong mahal sa buhay na kumontak sa isang hotline ay isang magandang paraan para makahanap ng mga propesyonal na makakapagbigay ng kinakailangang impormasyon at mga resource. Makakatulong sa isang survivor ang isang professional advocate na makagawa ng matatalinong pagpili.

Mahalaga ang pagpapanatili ng suporta pero puwede ring maging mahirap itong panatilihin sa kabuuan ng pagpapagaling ng survivor. Posibleng kailangan ng taong nagbahagi ng kanyang kuwento sa iyo ng mas matagal na suporta mula sa iyo. Tumulong sa mga paraang kaya mo pero ingatan din ang sarili mong mental at emosyonal na kalagayan sa mahirap na panahong ito.

Ang magagawa nating lahat

Palaging isipin ang sasabihin mo

Seryosong usapin ang sekswal na pag-atake at ang mga biro tungkol sa sekswal na pag-atake ay nagpapatuloy sa kultura ng pangagahasa. Nangyayari ang kultura ng panggagahasa kapag ang panggagahasa at sekswal na pag-atake ay binabalewala o ipinagpapalagay na normal lang ito kaya naman nababawasan rin ang empatiya ng mga tao sa mga nakaranas ng sekswal na pag-atake. Karapat-dapat ang mga survivor sa respeto at hindi dapat biruin, kutyain, o pagmalupitan. Maaring palalain ng ganitong mga uri ng mga negatibong gawain ang trauma na kanilang nararanasan, na mas nagpapahirap at nakakahadlang sa kanilang pag-galing. Mahalaga ang suporta at empatiya. Maging mabait at maunawain.

Alamin kung paano ito mapipigilan

Tinatalakay ng prevention education ang mga dahilan ng sekswal na pag-atake at nilalayon nitong pigilan ang karahasan bago pa ito mangyari. Ang pag-unawa sa pahintulot at mga hangganan at pagrespeto sa bahagi ng katawan sa pamamagitan ng pagmamasid ay mahahalagang paraan para mapigilan ang sekswal na karahasan. Nangangailangan ito ng tuloy-tuloy na pag-aaral at pagtuturo. Para malaman ang tungkol sa prevention, bisitahin ang mga resource sa ibaba para matuto pa.

Kung nakaranas ka ng sekswal na pag-atake, o mayroon kang kaibigan o miyembro ng pamilya na baka nangangailangan ng tulong, makipagugnayan sa mga sumusunod na hotline sa ibaba para sa mga resource at impormasyon:

Pandaigdigan

Nakipag-partner ang TikTok sa StopNCII.org, na inilalaan ng SWGfL, para tulungan ang mga nasa hustong gulang (18+) na ang mga intimate na larawan ay ibinahagi online nang walang pahintulot nila. Kasama sa mga intimate na larawan ang pagpapakita ng mga tao na nakahubad, semi-nude o nakikipagtalik. Kung naibahagi online ang mga intimate na larawan mo nang walang pahintulot mo, gamitin ang StopNCII tool para tulungan ang TikTok, at iba pang partner ng StopNCII, na matukoy at maalis ang mga larawan.

Lokal