Skip to main content
Mga Gabay

Privacy and Security on TikTok

Sa TikTok, alam namin na ang creativity at expression ay personal. Pati na rin ang privacy. Kaya naman ine-empower namin ang aming komunidad gamit ang iba’t ibang controls para i-manage ang kanilang online presence at piliin ang TikTok experience na angkop para sa kanila. Alam din namin na kapag may sumasali sa aming komunidad, ipinagkakatiwalaan nila sa amin ang kanilang impormasyon. Pinangangalagaan naming mabuti ang impormasyon na ito at tinuturuan namin ang aming users tungkol sa privacy at security tools.

Privacy

Ang Tiktok ay nangongolekta ng impormasyon para magbigay ng makatutulong at makabuluhang experience sa aming komunidad. Ilan sa aming mga features ay maaaring available lang sa partikular na bansa, dahil kami ay nagde-develop ng mga produkto para tugunan ang mga pangangailangan ng iba’t ibang komunidad.Dahil dito, maaaring mangolekta kami ng marami o kaunting impormasyon sa isang bansa depende sa features na available doon.

Hinihikayat  namin ang lahat na basahin ang aming privacy policy para sa impormasyon tungkol sa aming mga kaugalian. Narito ang ilang bagay na sakop ng aming polisiya at nakolekta sa kasalukuyang bersyon ng aming app, kasama ang ilan sa mga dahilan kung bakit kinokolekta namin ang naturang impormasyon:

  • Phone number o email para ma-register ang account
  • Kaarawan para makumpirma namin ang edad ng isang tao at makapagbigay kami ng karanasan sa app na angkop sa edad.
  • Address para sa mga kalahok sa TikTok Creator Fund (para sa taxes), at para sa mga users na nanalo ng premyo (para maipadala ang premyo sa kanila.
  • Payment information para mabayaran namin ang creator sa TikTok Creator Fund, at para sa mga account na gumagamit ng TikTok wallet at ng aming virtual gifting feature.
    Ang mga likes, shares, at search history sa aming app para makapag-rekomenda kami ng mas makabuluhang content.
  • Browsing history sa TikTok in-app browser para tulungang mas mapabuti ang platform, kabilang na ang optimizing page load times at measurement. Hiwalay ito at walang kaugnay sa paggamit ng ibang apps sa telepono ng user, kabilang ang web browsers.
  • Ang Device ID characteristics ay tumutulong sa amin na magsagawa ng ilang security functions, tulad ng pagbabawas ng spam at pagprotekta sa mga user accounts laban sa mga malisyosong gawain. Ginagamit din namin ang impormasyong ito para matulungan ang mga advertisers na lubos na maibagay at masukat ang effectiveness ng kanilang ad campaigns.
  • Impormasyon tungkol sa approximate na lokasyon mo, kabilang ang impormasyon ng lokasyon batay sa SIM card at/o IP address mo. Kung gumagamit ka pa rin ng mas lumang bersyon na nagpapahintulot sa pagkolekta ng tumpak o approximate na impormasyon ng GPS (huling na-release noong Agosto 2020) at pinahihintulutan mo kami, posibleng kolektahin namin ang impormasyong iyon.

Sino-store ang data ng user ng TikTok sa mga protektadong data center sa US, Malaysia at Singapore, at nag-anunsyo kami ng mga planong magtayo ng data center sa Ireland. Naka-encrypt ang data ng user habang ipinapasa at hindi ipinapasa. Nagpapatupad kami ng mga istriktong paghihigpit sa access ng empleyado, kabilang ang pagpigil sa mga key na nagde-decrypt sa data ng user na ma-access ng mga empleyado nang walang awtorisasyon at ipinapakitang pangangailangang gawin ang kanilang trabaho.

Ikaw ang may kontrol

Nagbibigay ang TikTok ng iba’t ibang privacy controls sa mga tao na pwedeng pumili ng settings na angkop para sa kanila. Nagsusumikap kami na turuan ang aming komunidad tungkol sa kanilang privacy choices sa pamamagitan ng in-app videos, Help Center, at iba pa.

Ang mga account holders ay maaaring mag-request ng kopya ng kanilang TikTok data sa anumang oras, kabilang dito ang impormasyon ng kanilang profile, activity at app settings.

Help Center sa Privacy ng User sa Monetization

Layunin naming tulungan ang mga negosyo na maabot ang mga taong mahalaga sa kanila sa paraang malikhain at makabuluhan, habang binibigyan ng kontrol ang aming komunidad sa kung anong impormasyon ang ibabahagi. Pwede mong pamahalaan kung paano maapektuhan ng ilang data ang mga ad na nakikita mo sa pamamagitan ng mga setting ng privacy ng iyong TikTok app o ng iyong device. Pwedeng ibatay ang mga ad sa TikTok sa:

  • Pangkalahatang impormasyon: Halimbawa, maaaring magpakita ang TikTok ng mga ad para sa isang partikular na mobile app kung sinusuportahan iyon sa operating system ng device na iyon.
  • Impormasyon ng account: Halimbawa, pwedeng makaapekto ang edad na nauugnay sa account ng user kung magpapakita ang TikTok sa user na iyon ng ad para sa isang serbisyo sa pagrenta ng sasakyan na available sa mga taong edad 25 pataas.
  • In-app na aktibidad: Halimbawa, maaaring gustong mag-advertise ng isang pet supply store ng sale ng mga laruan ng aso para sa mga taong interesado sa mga aso; maaaring ipakita namin ang ad na ito sa mga user na gusto ang maraming video tungkol sa mga aso.
  • Off-app na aktibidad: Halimbawa, maaaring gustong i-promote ng isang fashion brand ang kanilang koleksyon ng summer clothing sa mga customer na nakabili na dati sa kanilang website o app. Pwedeng magbahagi sa amin ng impormasyon ang brand para maipakita namin ang mga ad nito sa mga user ng TikTok na sa palagay namin ay sinsubukan nitong abutin.

Security

Masigasig naming pinoprotektahan ang impormasyon ng mga tao at patuloy na inaalam ang panibagong security threats. Ang aming security team ay gumagamit ng cutting edge-technology at multilayer defenses. Nakikipagtulungan din kami sa mga eksperto para i-test ang aming infrastructure at processes. Nakipag-partner kami sa HackerOne para i-operate ang global bug bounty at vulnerability disclosure program, at ang aming team ay aktibong nagtatrabaho para pagbutihin pa ang aming depensa laban sa mga panibagong atake.

Ang security ay isang trabaho na hindi natatapos, pero patuloy kaming gagawa ng best-in-class-infrastructure at processes. Susubukan din namin ang aming mga gawa, pagtitibayin namin ito, at makikipagtulungan kami sa aming mga partners sa industriya at gobyerno para matiyak na ginagawa namin ang lahat upang maprotektahan ang aming komunidad.

Pagbibigay seguridad sa iyong account

Habang patuloy kaming nagsisikap na gawing ligtas ang impormasyon ng aming komunidad, pinagtitibay din namin ang kakayahan ng mga users sa pamamagitan ng mga tools at impormasyon para sa good security habits. Ilang mga tips:

Panatilihing updated ang iyong contact: I-link ang updated phone number at/o email address sa iyong TikTok account. Maaaring magamit ang email para mag-alert sa’yo ng kahit anong kahina-hinalang gawain sa iyong account. Maaari rin itong gamitin para tiyakin ang iyong identity kung sakaling ikaw ay ma-lock out. Alamin ninyo kung paano.

Gumawa kayo ng malakas at natatanging password: Pumili ng password na madali mong maalaala ngunit mahirap para sa iba na hulaan. Ang kahulugan ng natatangi ay pagkakaroon ng iba’t ibang password para sa bawat account mo, at ang malakas ay nangangahulugan na paggawa ng password na kumplikado sa pamamagitan ng 12 characters kanilang ang numero at simbolo. Tiyaking i-set up ang malakas at natatanging password/PIN para sa lahat ng iyong device kung saan gumagamit ka ng TikTok, gaya ng laptop, phone at iba pang mobile devices. Ang password manager ay makatutulong makaalala ng napakaraming natatanging username at password.

I-turn on ang 2-step verification: Ang 2-step verification ay nagdadagdag ng extra layer sa seguridad ng iyong account sakaling makompromiso ang iyong password. Ito ang nagbibigay proteksyon sa iyong account mula sa hindi matukoy at hindi awtorisadong device o third part applications. Alamin kung paano

Security Alerts: Ang aming team ay patuloy sa pag-monitor sa mga kahina-hinala or hindi awtorisadong gawain. Subaybayan ang mga di pangkaraniwang security events na hindi mo makilala gamit ang tab na ito.

I-verify ang iyong device: Maaari mong i-view ang phone, at iba pang mobile device na kasalukuyan mong ginagamit o may kasalukuyang access sa iyong TikTok account. Ito ang magpapakita ng lahat ng device na nakaugnay ng iyong account, paano nag-log sa account (e.g. Facebook account), at kailan. I-check ang impormasyong ito at siguraduhing walang ibang nag-sign it sa iyong account. Alamin kung paano

Iwasan ang phishing attacks: Ang phishing ang karaniwang ginagamit ng attacker para linlangin ang iba na ibigay ang kabilang personal na impormasyon, tulad ng mga password, numero ng credit card, numero ng social security, o iba pang sensitibong impormasyon. Huwag kailanman magtitiwala sa mga third-party website na nangangakong magbibigay ng mga libreng likes, fans, crowns, coins, o iba pang insentibo dahil pwede nitong makuha ang iyong login info. Tiyaking i-verify parati ang anumang link na ipinadala sa iyo sa pamamagitan ng private message bago i-access ang page.

Huwag kayong magpaloko kung may kumontak sa iyo na nagpapanggap na taga-TikTok. Tandaan: Ang lehitimong email mula sa aming team ay hindi kailanman hihingin ang iyong password!

Kung makakita kayo ng video o makatanggap kayo ng mensahe sa TikTok na sa palagay ninyo ay spam o phishing, i-report para mapanatili ng aming team na ligtas ang aming komunidad. Maaari mo ring i-report ang videos sa pamamagitan ng pag-hold down sa content na kwestyunable at i-tap ang report.