Skip to main content
Mga Paksa

Integridad sa Eleksyon

Integridad sa Eleksyon

Ang TikTok ay isang tahanan para sa entertainment, koneksyon, ekspresyon. Bagaman kadalasang nangangahulugan ito ng light-hearted creative expression , maaari rin nitong isama ang mga paksa  tungkol sa politika at eleksyon. Tinatanggap namin ang lahat ng ekspresyon na angkop sa aming Community Guidelines, na ginawa para tulungan tayong gawing ligtas ang TikTok para sa lahat.

Ang TikTok ay hindi pangunahing pinagmumulan ng breaking news, at hindi kami tumatanggap ng bayad para sa  political ads, pero kami ay nakatuon sa pagpigil ng pagkalat ng maling impormasyon sa platform, kabilang ang pagsuporta sa aming mga users sa pamamagitan ng edukasyon at mapagkakatiwalaang impormasyon na  importanteng pampublikong paksa gaya ng eleksyon. Ang aming layunin ay tulungan ang TikTok na manatiling lugar para sa content na tunay at totoo.

Pakikipagtulungan sa mga eksperto

Naniniwala kami na ang pakikipagtulungan ay makatutulong na palakasin ang aming mga pagsisikap para maprotektahan laban sa panganib at maling paggamit ng aming platform, kaya naman nakikipagtulungan kami sa maraming eksperto at organisasyon para tulungan kami i-promote ang kaligtasan sa TikTok. Nakikipagtulungan kami sa mga organisasyon sa iba’t ibang bansa. Halimbawa, noong 2020 US presidential election nakipagtulungan kami sa organisasyon tulad ng National Association of Secretaries of the State, US Department of Homeland Security, Election Integrity Partnership, at aming Content Advisory Council, isang grupo ng mga eksperto na nagbibigay ng puna sa aming polisiya at gawain sa maling impormasyon sa eleksyon, hate speech, at iba pa.

Sa pamamagitan ng aming mga global partnership, kabilang ang Agence France-Presse (AFP), Animal Político, Estadão Verifica, Lead Stories, Newtral, Facta, PolitiFact, SciVerify, Teyit & Vishvas News, nagsisikap kaming limitahan ang potensyal na pagkalat ng maling impormasyon sa aming platform. Ang mga organisasyong ito na aming katrabaho sa aming internal investigation at moderation team ay tumutulong para siyasatin ang mga maling impormasyon kaugnay sa eleksyon.

Mga Katangian ng Produkto

Hashtag PSANagbibigay kami sa buong mundo ng impormasyon sa mga election-related hashtag pages para paalalahanan ang mga tao na sundin ang aming Community Guidelines, i-verify ang facts, at i-ulat ang content na pinaniniwalaang lumalabag sa aming polisiya.

Media literacy Upang matulungan ang aming komunidad na kritikal na mag-isip tungkol sa content na kanilang ginagawa at pinapanood, gumawa kami ng educational TikTok videos na magbibigay sa mga user ng tools na kakailanganin nila para maging higit na matatalinong digital citizens.

Ang aming mga polisiya

Para matulungan kaming maihatid ang aming misyon na makapagbigay ng inspirasyon sa creativity at makapagbigay ng kaligayahan, naglathala kami ng Community Guidelines para klaruhin ang mga uri ng content at asal na hindi pinahihintulutan sa TikTok. Ang mga polisiyang ito ay para sa lahat ng gumagamit ng TikTok at lahat ng content na kanilang pino-post. Narito ang mga alituntunin na karaniwang tumutukoy sa content na kaugnay sa mga eleksyon.

Maling impormasyon

Ang maling impormasyon ay maituturing na content na hindi tugma o mali. Bagaman hinihikayat namin ang aming komunidad na magkaroon ng mga magalang na pag-uusap tungkol sa mga paksang mahalaga para sa kanila, hindi namin pinahihintulutan ang maling impormasyon na makasasama sa tao, sa aming komunidad, o sa publiko  anupaman ang layunin nito.

Huwag i-post, i-upload, i-stream, o i-share:

  • Maling impormasyon na pinalalala ang hate o prejudice.
  • Maling impormasyon na kaugnay sa emergency na maaaring magsimula ng panic.
  • Maling impormasyong medikal na maaaring maging sanhi ng pinsala sa pisikal na kalusugan ng tao.
  • Mapanlinlang na content sa mga community members tungkol sa eleksyon o iba pang prosesong nilalahukan ng mga mamamayan.
  • Conspiratorial content na umaatake sa isang protektadong grupo o kabilang sa marahas na panawagan o nagkakaila na naganap ang isang kalunos-lunos na pangyayari.
  • Digital Forgeries (Synthetic Media or Manipulated Media) na naglilinlang sa mga user sa pamamagitan ng pagbaluktot ng katotohanan ng mga pangyayari at nakasasama sa paksa ng video, sa ibang tao, o sa lipunan.

Huwag gawin:

Makisali sa mga hindi tunay na asal (kagaya ng paggawa ng mga account) upang impluwensyahan at hikayatin ang opinyon ng publiko habang nililinlang ang mga tao at ang aming komunidad tungkol sa totoong pagkakakilanlan ng account, lokasyon at layunin.

Pagpapanggap

Hindi namin pinahihintulutan ang mga account na nagpapanggap na ibang tao o organisasyon upang makapanlinlang. Kapag nakumpirma namin ang report ng pagpapanggap, ipababago namin sa user ang kanilang profile o sususpendihin, o i-ba-ban ang account. Pinahihintulutan namin ang parody, commentary o fan accounts, basta’t nakalagay sa bio ng user at username na fan, commentary, o parody at wala itong kinalaman sa subject ng account.

Huwag magpanggap na ibang tao o organisasyon sa pamamagitan ng paggamit ng pangalan, detalye tungkol sa buhay, o larawan ng ibang tao sa makapanlinlang na paraan.

Spam at fake engagement

Kabilang sa fake engagement ang content o gawain na madayang nagpapatanyag ng popularidad sa platform. Ipinagbabawal namin ang anumang tangkang pagmamanipula ng platform upang madayang mapataas ang interaction metrics.

Huwag gawin:

  • Pagtuturo sa iba kung paano dayain ang pagpaparami ng views, likes o comments
  • Tangkang pagbili ng views, likes, followers, shares, or comments
  • Pag-promote sa artipisyal na traffic generation services
  • Gumamit ng maraming account sa TikTok na mali at hindi totoo upang magkalat ng spam

Hateful behavior

Ang TikTok ay isang diverse at inclusive community na hindi kinukunsinti ang diskriminasyon. Ipinagbabawal namin ang content na naglalaman ng hate speech o hateful behavior at tatanggalin namin ito sa platform. Sinususpindi o i-ba-ban namin ang mga account na gumagawa nito.

Huwag kayong mag-upload, mag-stream, mag-share ng hateful content na may kinalaman sa tao o grupo, kabilang ang:

  • mga tao na sa tingin ay physically, mentally, o morally inferior sila
  • Nanawagan o nagbibigay katwiran sa karahasan laban sa kanila
  • mga taong nagsasabing sila ay kriminal
  • tinuturing bilang hayop, bagay, o ibang nilalang
  • nag-po-promote o nagbibigay-katwiran sa exclusion, segregation o diskriminasyon laban sa kanila
  • Content na nagpapakita ng pinsalang idinulot sa isang tao o grupo batay sa isang katangian

Itinuturing na pag-aalipusta ang mapanirang pananalita na naglalayon  na manlait sa isang etnisidad, lahi, o anupamang katangiang isinasangalang. Upang mapigilan ang paglaganap ng labis na mapanghamak na mga salita, inaalis namin ang lahat ng pag-aalipusta sa aming platform, maliban na lamang kung inangkin na ang mga ito, ginagamit ito para tukuyin ang sarili (halimbawa, sa isang kanta), o hindi ito nanghahamak.

Huwag mag-post, mag-upload, mag-stream, o mag-share ng content na gumagamit ng o may kasamang pag-aalipusta.

Salungat ang mga hateful ideologies sa inklusibo at supportive na komunidad ng aming platform. Inaalis namin ang content na nag-po-promote ng hateful ideologies.

Huwag i-post:

  • Content na nagsusulong ng anumang hateful ideologies sa pamamagitan ng pagsasabi ng positibong tungkol, o pag-di-display sa mga logo, simbolo, bandila, slogan uniporme, saludo, kilos, larawan ng tao, larawan, o pangalan ng mga taong may kinalaman sa mga ideolohiyang ito.
  • Content na nagkakaila ng mga marahas na kaganapan na napatunayan
  • Tugtog o liriko na nagsusulong ng hateful ideologies

Alamin ang tungkol sa aming pagsisikap labanan ang hateful speech, grupo, at ideolohiya.

Political advertising

Ang mga Ads ay bawal mag-reference, mag-promote, o mag-oppose ng mga kandidato sa eleksyon, kasalukuyan o dating lider sa politika, partidong pampulitika, organisasyong pampulitika, o isama sa content ang usaping politika na lokal o pederal na mahalaga para sa lipunan. Ang mga panawagan mula sa mga non-profit organizations o sa mga sangay ng pamamahalaan ay maaring pahintulutan, kung hindi batay ang mga ito sa mga dahilang kaugnay sa motibong politikal.

Pagpapatupad ng aming polisiya

Iba-iba ang mga pamamaraan namin para protektahan ang aming user sa pagkalat ng nakasasamang content at asal.  Bahagi ito ng aming pagsisikap na magtaguyod ng kaaya-ayang kapaligiran para sa app.

Ang aming pamamaraan: Alisin ang content dahil sa paglabag sa aming Community Guidelines

Rasyonal: Kapag nalaman namin ang content na lumalabag sa aming Community Guidelines, kabilang na ang disinformation at misinformation  na nakasasama sa mga tao, sa aming komunidad, o sa publiko, inaalis namin ito upang makapagtaguyod kami ng ligtas at authentic na kapaligiran para sa app.

Kaugnay sa halalan: Ilang halimbawa ng aming tatanggalin ay: maling paratang na nagsisikap na unti-unting wasakin ang tiwala sa mga institusyon, tulad ng mga paratang na voter fraud na resulta ng voter by mail o pagsabing hindi mahalaga ang iyong; content na nagbibigay ng maling impormasyon ukol sa petsa ng halalan; mga pagtatangkang takutin ang mga botante o pigilan ang pagboto; at iba pa.


Ang aming pamamaraan: I-redirect ang mga resulta at hashtags sa aming Community Guidelines

Rasyonal: Ang content at terms na kaugnay sa content na lumalabag sa aming Community Guidelines ay maaaring malimitahan sa aming platform para i-promote ang safety sa app.

Kaugnay sa halalan: Kabilang dito ang pag-redirect sa mga terminong kaugnay sa hate speech, pag-uudyok na gumamit ng dahas, o disinformation ukol sa pandaraya sa halalan, tulad ng ballot harvesting.


Ang aming pamamaraan: Bawasan ang content discoverability, sa pamamagitan halimbawa ng pagre-direct sa search results o paggawa ng content na hindi pwedeng irekomenda sa For You fee ng kahit sino

Ang Dahilan: Ang amingsistema ng rekomendasyon ay ginawa para sa kaligtasan. Ang ilang content– kabilang ang spam, videos under review, or reviewed content na naglalarawan ng mga bagay na nakagugulat sa audience– ay maaaring hindi irekomenda.

Kaugnay sa halalan: Kabilang dito ang mga sinuring content na nagbabahagi ng unverified claims, kagaya ng pagdeklara ng pagkapanalo bago pa makumpirma ang resulta; espekulasyon tungkol sa kalusugan ng kandidato; mga paratang kaugnay sa polling stations sa mismong araw ng eleksyon na hindi napatunayan; at iba pa.


Ang aming pamamaraan: Hindi ipinagbabawal ang ganitong uri ng content sa platform

Ang Dahilan: Ang ilang content– kapag pinaniniwalaang educational, artistic, o newsworthy- na may halaga para sa interes ng publiko. Ang public interest ay isang bagay kung saan ang publiko ay nasasangkot, at naniniwala kami sa kapakanan ng publiko na kinakailangan ng pansin proteksyon. Subalit, hindi namin pinahihintulutan ang newsworthy content na nag-uudyok sa mga user na gumamit ng dahas.

Kaugnay sa halalan: Maaaring hindi kami kumilos sa mga violating content na sa tingin namin ay mapagkakatiwalaan. Halimbawa, bagaman hindi namin pinahihintulutan ang content na nagpapakita ng karahasan, hindi kami gagawa ng hakbang laban sa content na nagpapakita ng karahasan sa isang protesta.


Ang aming pamamaraan: I-block ang mga account sa pag-livestream

Ang Dahilan: Ang TikTok LIVE nagbibigay paraan sa mga tao para sa authentic connection sa kanilang mga audience, pero ang mga user ay dapat nasa 16 pataas para makapag-livestream at inaasahan magtiwala sa komunidad. Ang mga lalabag sa Community Guidelines ay maaaring mawalan ng access dito.

Kaugnay sa halalan: Itinuturing na violation ng livestream na nag-uudyok na gumamit ng dahas o magsusulong ng mga hateful ideology, conspiracy at disinformation.


Ang aming pamamaraan: Alisin ang account at mga content nito

Ang Dahilan: Maaaring ma-ban ang account ng mga user na lumalabag sa aming zero tolerance policy o may mga sunod-sunod na violation, dahil ipinakikita nilang hindi nila maunawaan ang code of conduct ng platform.

Kaugnay sa mga halalan: Halimbawa, ang mga account na napatunayang nagkakalat ng election-related disinformation ay ma-ba-ban.


Ang aming pamamaraan: Pag-ban sa device, kabilang na ang lahat ng accounts na nakakabit dito, at pag-block ng activity para makagawa ng account sa parehong device.

Ang Dahilan: Ginagamit namin ang  pag-ban ng device para sa mga tao na may malubhang paglabag ng aming mga patakaran at nagpatunay na ayaw nilang sumunod sa aming Community Guidelines at Terms of Service.

Kaugnay sa halalan: Ang mga device na may maraming account na lumalabag sa aming zero tolerance policy, kagaya ng network na kabilang sa coordinate inauthentic behavior o election interference.


Mula sa aming Newsroom

Pagsusuporta sa aming komunidad sa araw ng halalalan at sa nga susunod na araw.

Paglalawig sa aming transparency para magkaroon ng malinis na halalan

Naglunsad na ang TikTok ng in-app guide sa 2020 US elections

Paano kinakalaban ang hate sa TikTok

Nilalabanan ang maling impormasyon at election interference sa TikTok

Tampok sa seryeng “Be Informed” ng TikTok ang mga TikTok creators upang turuan ang mga users ng media literacy

Pagsusumikap na suportahan ang integridad ng content, account, at platform