Skip to main content
TikTok LogoTikTok Logo
Integridad at Pagiging Totoo

Integridad at Pagiging Totoo

Huling na-update, Mar 2023

Gusto naming magkaroon ng kumpiyansa ang lahat na maa-access nila ang maaasahang impormasyon, makakatuklas ng orihinal na content, at magagawang makipag-ugnayan sa mga tunay at totoong tao. Mahalagang pundasyon ito para makabuo ng mapagkakatiwalaan at maaasahang komunidad sa TikTok at sa labas ng plataporma.

Maling Impormasyon

Sa pandaigdigang komunidad, normal lang na may iba’t ibang opinyon ang mga tao, pero sinisikap naming magpatakbo sa isang hanay ng katotohanan at realidad na nauunawaan ng lahat. Hindi namin pinapayagan ang di-tumpak, mapanlinlang, o di-totoong content na posibleng magdulot ng malaking pinsala sa mga indibidwal o lipunan, anuman ang intensyon. Kabilang sa malaking pinsala ang pisikal, sikolohikal, o panlipunang pinsala, at pagkasira ng ari-arian. Hindi kasama rito ang komersyal at pangreputasyong pinsala, o hindi rin kasama ang di-tumpak na impormasyon at mga alamat. Umaasa kami sa mga hiwalay na partner sa pagsusuri ng katotohanan at sa aming database ng mga dati nang napatunayang totoo para tulungan kaming masuri ang katumpakan ng content.

Hindi kuwalipikado ang content para sa FYF kung naglalaman ito ng mga karaniwang conspiracy theory o impormasyong walang basehan na may kaugnayan sa mga emergency. Para maging maingat, ang mga content na kailangang suriin kung totoo ay pansamantala ring hindi kuwalipikado para sa FYF habang sinusuri ito.

Para matulungan kang pamahalaan ang karanasan mo sa TikTok, naglagay kami ng mga babalang label sa content na may kaugnayan sa mga nangyayari o emergency na kaganapan, na sinuri na ng aming mga tagasuri pero hindi pa napatunayang tumpak, at pinapaalalahanan namin ang mga tao napag-isipan kung ishe-share ang ganoong content.

Kabilang sa maling impormasyon ang di-tumpak, mapanlinlang, o di-totoong content.

Kabilang sa malaking pinsala ang malulubhang anyo ng:

  • Pisikal na pinsala at mga sakit, kabilang ang pagkamatay
  • Sikolohikal na trauma
  • Malaking pinsala sa ari-arian
  • Pinsala sa lipunan, kabilang ang pagpapahina sa mga pundamental na proseso at institusyon sa lipunan, tulad ng mga demokratikong halalan, at mga proseso para mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng publiko

Ang mga conspiracy theory ay mga paniniwala tungkol sa mga di-maipaliwanag na kaganapan o nagsasangkot ng pagtatuwa sa mga paliwanag na tinatanggap ng karamihan tungkol sa mga kaganapan at sinasabing isinagawa ang mga ito ng mga lihim o makapangyarihang grupo.

HINDI pinapayagan

  • Maling impormasyon na nagdadala ng panganib sa kaligtasan ng publiko o maaaring maging dahilan ng panic sa isang krisis o emergency, kabilang ang makasaysayang kuha ng video ng nakaraang pag-atake na para bang kasalukuyang nangyayari, o maling pagsasabi na hindi na available sa isang partikular na lokasyon ang isang pangunahing pangangailangan (gaya ng pagkain o tubig)
  • Maling medikal na impormasyon, gaya ng mga mapanlinlang na pahayag tungkol sa mga bakuna, di-tumpak na medikal na payo na pinipigilan ang mga tao na ipagamot ang isang nakamamatay na sakit, at iba pang maling impormasyon na nagdadala ng panganib sa kalusugan ng publiko
  • Maling impormasyon tungkol sa climate change na pinahihina ang matagal nang naitaguyod at tinatanggap na siyentipikong pananaw, gaya ng pagtatatuwa sa pagkakaroon ng climate change o pagkakaroon ng mga salik na nagiging dahilan nito
  • Mga mapanganib na conspiracy theory na marahas o mapoot, gaya ng marahas na call to action, pagkakaroon ng mga kaugnayan sa nakaraang karahasan, pagtatatuwa sa mga naisadokumentong marahas na kaganapan, at pagpapalaganap ng maling pananaw tungo sa isang grupo na may protektadong katangian
  • Mga partikular na conspiracy theory na pinapangalanan at inaatake ang mga indibidwal na tao
  • Materyal na in-edit, pinagdugtong, o pinagsama (gaya ng video at audio) sa paraang malilinlang ang isang tao tungkol sa mga totoong nangyayari sa mundo

Hindi kuwalipikado para sa FYF

  • Mga karaniwang conspiracy theory na walang basehan at nagsasabing isinasagawa ng mga lihim o makapangyarihang grupo, gaya ng “gobyerno” o ng isang “lihim na lipunan,” ang ilang partikular na kaganapan o sitwasyon
  • Hindi naberipika na impormasyon na may kaugnayan sa emergency o nangyayaring kaganapan kung saan nagkakaroon pa lang ng mga detalye
  • Maling impormasyon na posibleng magdulot ng malaking pinsala habang sinusuri ang pagiging totoo nito

Pinapayagan

  • Mga pagpapahayag ng personal na opinyon (hangga’t hindi ito naglalaman ng nakapipinsalang maling impormasyon)
  • Mga talakayan tungkol sa climate change, gaya ng mga benepisyo o disadvantage ng ilang partikular na patakaran o teknolohiya, o mga personal na pananaw na may kaugnayan sa mga partikular na kaganapan sa panahon (hangga’t hindi nito pinahihina ang tinatanggap na siyentipikong pananaw)

Integridad ng Publiko at Halalan

Mahahalagang sandali sa mga usapan sa komunidad ang mga halalan at nagtataguyod ito ng mga pagpapahalaga ng isang bukas na lipunan. Sinisikap naming maging balanse sa mga talakayang nakabatay sa paksa, habang nagiging isang plataporma kung saan nagsasama-sama tayo at hindi nagdudulot ng pagkakawatak-watak. Hindi namin pinapayagan ang may bayad na pagpo-promote ng pulitiko, pulitikal advertising, o paglikom ng pondo ng mga pulitiko at pulitikal na partido (para sa kanilang sarili o para sa iba). Saklaw ng aming patakaran sa mga pulitikal na ad ang mga tradisyonal na may bayad na ad at mga creator na nakakatanggap ng bayad para suportahan o kalabanin ang isang kandidato.

Gusto naming magkaroon ng pagpapalitan ng mga pampublikong ideya nang may sapat na kaalaman sa paraang nagtataguyod ng produktibong pag-uusap. Hindi namin pinapayagan ang maling impormasyon tungkol sa mga prosesong pampubliko at panghalalan, anuman ang intensyon. Kabilang dito ang maling impormasyon tungkol sa kung paano boboto, pagpaparehistro ng boto, mga kinakailangan sa pagiging kuwalipikado ng mga kandidato, mga proseso sa pagbibilang ng mga balota at pagkumpirma ng mga halalan, at ang pinal na resulta ng isang halalan.

Hindi kuwalipikado ang content para sa FYF kung naglalaman ito ng mga hindi naberipika na impormasyon tungkol sa resulta ng isang halalan.

Alamin pa ang tungkol sa mga account ng Gobyerno, Pulitiko, at Pulitikal na Partido, at ang aming gawain para sa integridad ng halalan.

Kabilang sa maling impormasyon ang di-tumpak, mapanlinlang, o di-totoong content.

HINDI pinapayagan

Maling impormasyon tungkol sa halalan, kabilang ang mga sumusunod:

  • Paano, kailan, at saan boboto o magpaparehistro para bumoto
  • Mga kinakailangan sa pagiging kuwalipikado ng mga botante na lumahok sa halalan, at mga kuwalipikasyon para sa mga kandidato
  • Mga batas, proseso, at pamamaraan na gumagabay sa organisasyon at pagpapatupad ng mga proseso ng halalan at iba pang pampublikong proseso, gaya ng mga referendum, proposisyon sa balota, at census
  • Mga pinal na resulta o kinalabasan ng isang halalan

Hindi kuwalipikado para sa FYF

  • Hindi naberipika na impormasyon tungkol sa resulta ng isang halalan na kasalukuyang pang nangyayari at posibleng mali o mapanlinlang

Synthetic at Manipulated Media

Tinatanggap namin ang pagkamalikhain ng puwedeng ma-unlock ng bagong artificial intelligence (AI) at iba pang digital na teknolohiya. Gayunman, maaaring gawing mas mahirap ng AI na matukoy kung alin ang totoo at di-totoo, na magdudulot ng panganib sa lipunan at sa mga indibidwal. Kailangang malinaw na ibunyag kung alin ang synthetic o manipulated media na nagpapakita ng mga makatotohanang eksena. Magagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng sticker o caption, gaya ng ‘synthetic’, ‘fake’, ‘not real’, o ‘altered’.

Binabalanse namin ang halaga ng sinasabi ng synthetic media kumpara sa panganib na dala nito sa mga indibidwal. Hindi namin pinapayagan ang synthetic media na nagpapakita ng pagkakatulad sa anumang totoong pribadong personalidad. Bagama’t nagbibigay kami ng kaunting kalayaan para sa mga pampublikong personalidad, ayaw naming magiing paksa sila ng pang-aabuso, o mabigyan ang mga tao ng maling impormasyon tungkol sa mga pulitikal at pinansyal na isyu. Hindi namin pinapayagan ang synthetic media ng mga pampublikong personalidad kung ginagamit ang content sa mga pag-e-endorso o paglabag sa anupamang patakaran. Kabilang dito ang pagbabawal sa mapoot na pananalita, sekswal na pananamantala, at malulubhang anyo ng panliligalig (alamin pa ang tungkol sa mga pampublikong personalidad sa Panliligalig at Pambu-bully).

Ang synthetic media ay content na ginawa o binago ng teknolohiya ng AI. Kabilang dito ang mukhang totoong digitally-created (peke) na content ng mga totoong tao, gaya ng video ng isang totoong tao na nagsasalita pero binago o pinalitan ang kaniyang sinasabi.

Kabilang sa mga makatotohanang eksena ang pagpapakita ng mga pekeng tao, lugar, o kaganapan na mukhang totoo.

Ang mga pampublikong personalidad ay mga nasa hustong gulang (18 taong gulang at pataas) na may mahalagang papel sa publiko, gaya ng opisyal ng gobyerno, pulitiko, lider ng negosyo, at artista. Hindi namin itinuturing na mga pampublikong personalidad ang mga taong wala pang 18 taong gulang.

HINDI pinapayagan

  • Synthetic media na nagpapakita ng mga makatotohanang eksena na hindi malinaw na ibinubunyag kung tungkol saan ito o walang label sa video
  • Synthetic media na nagpapakita ng pagkakatulad (visual o audio) sa isang totoong tao, kabilang ang: (1) isang batang indibidwal, (2) isang pribadong personalidad na nasa hustong gulang, at (3) isang pampublikong personalidad na nasa hustong gulang kapag ginagamit para sa pulitikal o komersyal na pag-eendorso, o kung nilalabag nito ang anupamang patakaran
  • Materyal na in-edit, pinagdugtong, o pinagsama (gaya ng video at audio) sa paraang malilinlang ang isang tao tungkol sa mga totoong nangyayari sa mundo

Pinapayagan

  • Synthetic media na nagpapakita ng isang pampublikong personalidad sa ilang partikular na konteksto, kabilang ang malikhain o pang-edukasyong content, gaya ng isang video na nagpapakita sa isang artista na nagsasayaw ng isang sikat na TikTok dance, at isang makasaysayang personalidad na itinatampok sa isang aralin sa kasaysayan

Pekeng Engagement

Ang tunay na engagement ay mahalaga sa integridad ng aming plataporma at nagbibigay ng impormasyon kung paano namin inirerekomenda ang content na posibleng magkainteres ang iba. Hindi namin pinapayagan ang kalakalan ng mga serbisyo na nagtatangkang artipisyal na pataasin ang engagement o dayain ang sistema ng rekomendasyon ng TikTok. Kung nalaman namin na may mga account o content na may pekeng pinataas na metrics, aalisin namin ang mga nauugnay na pekeng follower o like nito.

Hindi kuwalipikado ang content para sa FYF kung layunin nitong lokohin o manipulahin ang iba para maparami ang mga follower, like, o view.

HINDI pinapayagan

  • Pangangasiwa ng pagbebenta ng mga serbisyo na artipisyal na nagpapataas ng engagement, gaya ng pagbebenta ng mga follower o like
  • Pagbibigay ng mga tagubilin kung paano artipisyal na patataasin ang engagement sa TikTok

Hindi kuwalipikado para sa FYF

  • Content na nanloloko o nagmamanipula sa iba bilang paraan para pataasin ang metrics ng engagement, gaya ng mga pangakong “like para sa like” at mga di-totoong insentibo kapalit ng pakikipag-engage sa content

Hindi Orihinal na Content at mga QR Code

Ang pagiging malikhain sa TikTok ang dahilan kung bakit ito maganda, kaya dapat mo lang i-post ang sarili mong gawa. Hindi namin pinapayagan ang content na lumalabag sa karapatan sa intelektwal na pag-aari ng isang tao. Kapag may nalaman kaming lumalabag na content, aalisin namin ito. Alamin pa ang tungkol sa aming mga patakaran sa intelektwal na pag-aari (intellectual property o IP).

Hindi kuwalipikado ang content para sa FYF kung naglalaman ito ng hindi orihinal o ni-reproduce na content na walang anumang bago o mga malikhaing edit, o naglalaman ito ng mga Quick Response (QR) code.

Kung sa tingin mo ay nalabag ang iyong IP, puwede kang mag-file ng copyright report o trademark report.

Tumutukoy ang Intelektwal na pag-aari (Intellectual property) sa pagmamay-ari ng isang bagay na ginawa mo, kasama ang mga copyright at trademark.

Ang mga copyright ay mga legal na karapatang may kaugnayan sa pagiging awtor ng mga orihinal na gawa, kabilang ang mga musika at video. Pinoprotektahan ng mga copyright ang orihinal na pagpapahayag ng isang ideya (gaya ng kung paanong partikular na ginawa o ipinahayag ang isang video o musika) pero hindi nito pinoprotektahan ang mga batayang ideya at katotohanan.

Ang mga trademark ay mga salita, simbolo, slogan, disenyo, o kombinasyon ng mga ito na nagpapakilala sa isang produkto o serbisyo at ginagawa itong natatangi mula sa iba pang produkto o serbisyo.

HINDI pinapayagan

  • Content na lumalabag sa mga copyright, trademark, o iba pang karapatan sa intelektwal na pag-aari ng iba

Hindi kuwalipikado para sa FYF

  • Ni-reproduce o hindi orihinal na content na in-import o in-upload nang walang anumang bago o mga malikhaing edit, gaya ng content na may nakikitang watermark dahil gawa ito ng iba o content na may ipinatong na logo
  • Content na mababa ang kalidad, gaya ng sobrang maiikling clip at mga exclusively-GIF based video
  • Mga QR code (maliban na lang kung mababa lang ang panganib nito na makapinsala, gaya ng nasa konteksto ng e-commerce)

Spam at Mapanlinlang na Gawi sa Account

Para makabuo ng isang mapagkakatiwalaang komunidad online, mahalaga na tunay at totoo ang mga gawi at pagkakakilanlan ng mga account. Hindi namin pinapayagan ang mga gawi sa account na posibleng mag-spam o manlinlang ng ating komunidad. Kabilang dito ang pagsasagawa ng lihim na operasyon para mang-impluwensya, at paggawa ng mga spam at nagpapanggap na account. Pinapayagan ang mga parody/fan-based account, hangga’t ibinubunyag ang tungkol dito sa pangalan ng account (pansinin na naiiba ito sa @username).

Puwede kang mag-set up ng maraming account sa TikTok para gumawa ng iba’t ibang channel para sa tunay na malikhaing pagpapahayag, pero hindi para sa mga mapanlinlang na layunin. Hindi namin pinapayagan ang paggamit ng maraming account para sadyaing huwag sumunod sa aming mga tuntunin o sa pagpapatupad ng mga ito. Kung na-ban o nalimitahan sa paggamit ng isang feature ang alinman sa mga account mo, hindi ka dapat mag-set up o gumamit ng ibang account para makaiwas sa ban o limitasyon.

Kapag nalaman namin na nasangkot ang isang tao sa alinman sa ganitong mga mapanlinlang na gawi ng account, iba-ban namin ang account, at posibleng i-ban ang mga bagong ginawang account.

HINDI pinapayagan

  • Spam, kabilang ang
    • Mga account na pinapatakbo: (1) nang bultuhan, (2) sa pamamagitan ng di-awtorisadong automation, o (3) para mamahagi ng maraming komersyal na content
    • Pagpapatakbo ng mga network ng mga account na kumakatawan sa magkakatulad na entity o nagpo-post ng magkaparehong content para ituro ang iba sa mga partikular na lokasyon (sa loob o labas ng plataporma), gaya ng sa ibang account, website, at negosyo
  • Pagpapanggap, kabilang ang:
    • Mga account na nagpapanggap bilang ibang totoong tao o entity, gaya ng paggamit ng pangalan ng iba, mga detayeng ng buhay, content, o larawan nang hindi ito ibinubunyag
    • Pagpapakilala bilang isang tao o entity na hindi totoo (pekeng personalidad) na may makikitang hangarin na linlangin ang iba sa plataporma
  • Mga lihim na operasyon para mang-impluwensya, kabilang ang:
    • Pagtatangkang impluwensyahan ang opinyon ng publiko habang nililinlang ang mga sistema ng plataporma o mga miyembro ng komunidad tungkol sa pagkakakilanlan, pinagmulan, lokasyon ng operasyon, kasikatan, o layunin ng account
  • Pandaraya, kabilang ang:
    • Pagtatangkang iwasan ang pagka-ban ng account sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga paglabag sa content sa iba’t ibang account
    • Paggamit ng alternatibong account (bago man ito o dati na) para ipagpatuloy ang lumalabag na gawi na naging dahilan sa pagka-ban sa ibang account
    • Pagbubukas ng panibagong account matapos ma-ban ang account dahil sa malubhang paglabag

Susunod na artikulo

Mga Kinokontrol na Produkto at Komersyal na Aktibidad

Basahin ang susunod