Skip to main content
TikTok LogoTikTok Logo
Mga Account at Feature

Mga Account at Feature

Huling na-update, Mar 2023

Mga Account

Kailangang 13 taong gulang ka na at pataas para magkaroon ng account. May mga karagdagang limitasyon sa edad batay sa lokal na batas sa ilang rehiyon. Sa United States, may hiwalay na karanasan sa TikTok para sa wala pang 13 taong gulang, na nagbibigay ng mas limitadong karanasan na idinisenyo nang may karagdagang pangkaligtasang proteksyon at may inilaang Patakaran sa Privacy. Kapag nalaman namin na wala pa sa minimum na edad ang isang taong nasa TikTok, iba-ban namin ang account.

Puwedeng magdulot ng mga aksyon sa pagpapatupad sa mga account ang paglabag sa aming mga patnubay. Iba-ban namin ang mga account o user kung masangkot sila sa: (1) isang malubhang paglabag sa content, (2) paulit-ulit na paglabag ng content sa loob ng 90 araw, (3) pandaraya, o (4) pagpapatakbo ng mga account na nakatuon sa aktibidad na lumalabag sa aming mga alituntunin. Kabilang dito ang lahat ng aktibidad na nagsasaad ng pangunahing layunin na hindi pinapayagan sa aming plataporma, gaya ng mga account na nakapokus sa mapoot na pananalita, kalakalan ng mga ipinagbabawal na produkto, spam, at pagpapanggap (alamin pa ang tungkol sa pandaraya at mga nakalaang account sa Spam at mga Mapanlinlang Gawi sa Account).

Iba-ban din namin ang isang account kung malaman namin na isang marahas o mapoot na artista ang may-ari ng acccount o nahatulan ng isang sekswal na krimen o iba pang malubhang pagkakasala laban sa isang batang indibidwal. Puwede naming isaalang-alang ang aktibidad sa labas ng plataporma na may kaugnayan sa karahasan, poot, at sekswal na pananamantala at pang-aabuso ng bata para makapagdesisyon tungkol sa pag-ban sa ganitong mga account. Ire-report namin ang mga account sa mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas kung may partikular, kapani-paniwala, at napipintong banta sa buhay ng tao o malubhang pisikal na pinsala.

Kapag paulit-ulit ang pag-post ng content na pinapayagan sa aming plataporma pero hindi kuwalipikado para sa FYF, posibleng maging mas mahirap mahanap ang account at content nito sa search. Alamin pa ang tungkol sa aming pangkalahatang estratehiya sa pagpapatupad sa account.

Mga Account ng Pulitiko at Balita

May mahalagang papel ang mga pulitiko at entity ng balita sa mga pampublikong proseso at lipunan. Bagama’t itinuturing naming kapareho ng anupamang account ang kanilang content at aalisin ang anumang paglabag, naiiba ang aming estratehiya sa pagpapatupad sa mga antas ng account para makasunod sa mga balangkas ng mga karapatang pantao. Dahil sa aming pagtuon sa malayang pagpapahayag, kailangan naming angkop na tumugon sa pinsala na may pinakamaliit na mapaglimitang epekto sa pagpapahayag. Para sa mga paulit-ulit na hindi malubhang paglabag sa content, ang ganitong mga account na nasa interes ng publiko ay pansamantalang magiging hindi kuwalipikado na lumitaw sa FYF at sa mga feed ng kanilang mga follower. Posible ring limitahan ang mga ito sa pagpo-post ng bagong content. Gayunpaman, iba-ban pa rin ang isang account para sa anumang malubhang paglabag ng content, gaya ng pagbabanta ng karahasan.

Kabilang sa mga pulitiko ang mga pederal/pambansang inihalal na opisyal at kandidato, pang-estado/panlalawigan/pang-teritoryo at lokal na entity ng gobyerno, ministro ng gabinete, at opisyal na tagapagsalita. Alamin pa ang tungkol sa kung ano ang itinuturing na mga account ng Gobyerno, Pulitiko, at Pulitikal na Partido.

Kabilang sa mga entity ng balita ang mga organisasyon na pangunahing nakatuon sa paglalathala ng balitang content para magbigay ng kaalaman o magturo. Para maging kuwalipikado bilang isang news account, kailangang legal na lisensyado, na-certify, o kinikilala ng isang intergovernmental na organisasyon, regulator, o iginagalang na organisasyon ng press ang account.

Kabilang sa malulubhang paglabag ang mga sumusunod:

  • Pagpapakita, pagpo-promote, o pangangasiwa ng pananamantala sa kabataan at materyal ng sekswal na pang-aabuso ng bata (child sexual abuse material, CSAM)
  • Pagpo-promote o pagbabanta ng karahasan
  • Pagpapakita o pagpo-promote ng mga sekswal na kilos na walang pahintulot, gaya ng panggagahasa at pangmomolestiya
  • Pangangasiwa ng human trafficking
  • Pagpapakita ng pagpapahirap sa totoong buhay
  • Paggamit ng ibang account pagkatapos permanenteng ma-ban ang account, at patuloy na paglabag sa aming mga patnubay

Mga External Link

Kadalasang nagbabahagi ang mga miyembro ng aming komunidad ng mga link sa kanilang profile, bio, o content para ikonekta ang mga tao sa karagdagang content o sa iba pang site. Bagama’t puwedeng kapaki-pakinabang o nagbibigay ng impormasyon ang ilang link, kumokonekta ang iba sa mapaminsalang content na hindi papayagan sa aming plataporma. Huwag mag-post ng mga link na nagdadala sa mga tao sa content na lalabag sa aming mga patnubay.Kapag nalaman namin na may paglabag ang isang link sa aming mga patnubay, aalisin ang link o iba-ban ang account.

Puwedeng maging mahirap matukoy kung saan ka dadalhin ng isang Quick Response (QR) code image at kung ligtas ang content kung saan ito kokonekta. Hindi kuwalipikado ang content para sa FYF kung naglalaman ito ng mga QR code, maliban na lang kung maliit lang ang panganib nito na makapinsala, tulad ng nasa konteksto ng e-commerce.


Mga Komento at Direktang Mensahe

Nagbibigay-daan ang mga komento at direktang mensahe sa TikTok sa aming mga user na makipag-ugnayan sa mga video o nang direkta sa iba, at nagbibigay ng mahalagang interaktibo na karanasan sa plataporma. Kailangang 16 na taong gulang ka na at pataas para makagamit ng mga direktang mensahe.

Ilalapat din ang aming mga patnubay na nakalista sa itaas sa mga komento at mensahe. Magreresulta ang paglabag sa aming mga alituntunin sa pag-aalis ng content o pansamantalang limitasyon sa pagpapadala ng direktang mensahe, at posible ring humantong sa pagka-ban ng account.


TikTok LIVE

Nagbibigay-daan ang TikTok LIVE sa ating komunidad na makipag-ugnayan nang real-time. Para masuportahan ang isang ligtas na karanasan sa LIVE, mayroon kaming mas mataas na minimum threshold ng edad para sa feature na ito. Kailangang 18 taong gulang ka na at pataas para makapag-LIVE, at makapagpadala ng mga regalo sa isang creator sa isang LIVE session.

Ilalapat din sa pag-LIVE ang aming mga patnubay na nakalista sa itaas. Magreresulta sa pagtatapos ng isang kasalukuyang LIVE session ang paglabag sa aming mga alituntunin, at posibleng humantong sa mga limitasyon sa paggamit ng LIVE o pagka-ban ng account. Kapag paulit-ulit ang pag-livestream ng content na hindi kuwalipikado para sa FYF, posibleng maging hindi kuwalipikado ang account mo para sa FYF o maging mas mahirap na mahanap sa search.


Monetization

Nag-aalok kami ng mga tool na nagbibigay-daan sa mga creator na ma-monetize ang kanilang content, at nagbibigay sa mga negosyo ng kakayahan sa pagpapatakbo at pagpapalawak ng kanilang negosyo. Kailangang 18 taong gulang ka na at pataas para magamit ang mga feature ng monetization.

Kailangang matugunan ng mga account ang nauugnay na pamantayan para maging kuwalipikado sa aming mga feature sa monetization. Posibleng magresulta sa pansamantalang limitasyon sa mga feature ng monetization ang paglabag sa aming mga alituntunin, at hahantong ang paulit-ulit na paglabag sa permanenteng limitasyon o pagka-ban sa account. Posibleng limitahan ang content na hindi kuwalipikado para sa FYF mula sa mga feature ng monetization.

Lahat ng komersyal na content sa aming plataporma ay kailangang makasunod sa nauugnay na patakaran sa na-monetize na feature, gaya ng Patakaran sa Branded na Content, Patakaran sa Malilikhaing Ad ng TikTok, Patakaran sa Pagpasok sa Industriya, at Mga Patakaran ng TikTok Shop. Kabilang sa komersyal na content ang pagpapalitan ng isang bagay na may halaga sa pagitan ng mga creator, isang third party at creator (tulad ng Branded na Content), isang creator at negosyo (tulad ng e-commerce), o isang creator at TikTok (tulad ng Creator fund).


Susunod na artikulo

Pagpapatupad

Basahin ang susunod