Safety Partners

Regular kaming nakikipagtulungan sa mga eksperto sa online security, pangkalusugan, digital literacy, at kaligtasan ng pamilya para makatulong na magbigay ng payo at mga pangangailangan para sa iyo at sa iyong pamilya.
Mga programa
Nakikipagtulungan ang TikTok sa mga eksperto sa industriya, mga non-governmental organizations, at mga samahan ng mga industriya sa buong mundo para ipatupad ang aming pangakong bumuo ng ligtas na platform para sa aming komunidad. Nakikipagtulungan kami sa mga organisasyon sa iba’t ibang rehiyon para makapamahagi ng pinakamabuting kaugalian, bumuo ng mga programa, at makipagpalitan ng mga ideya ukol sa mga paksang may kinalaman sa kaligtasan.
Fact-checking program
Sa pakikipagtulungan sa Australian Associated Press (AAP), Agence France-Presse (AFP), Animal Político, Code for Africa, dpa Deutsche Presse-Agentur, Estadão Verifica, Facta, Lead Stories, Logically, Newschecker, Newtral, PolitiFact, Reuters, Science Feedback, at Teyit
Naninindigan kaming lumaban sa mapanganib na maling impormasyon. Ang aming mga fact-checking partner ay tumutulong na suriin ang katumpakan ng content sa mahigit 60 market. Kung nilalabag ng content ang aming mga patakaran tungkol sa maling impormasyon, ito ay aming aalisin sa platform namin o ito ay hindi na magiging kwalipikadong mairekomenda sa feed na Para sa Iyo ng sinuman. Kung hindi konklusibo ang mga resulta ng fact-checking, maaari kaming magdagdag ng prompt upang abisuhan ang mga manonood na hindi mapatunayan ang content at pag-isipan nila bago magbahagi ng posibleng maling impormasyon.
Media Literacy
Sa pakikipagtulungan ng National Association for Media Literacy Education (NAMLE)
Tinatalakay ng “Be Informed” sa isang video series ang isang mahalagang pundasyon ng digital citizenship: ang media literacy na pinatitibay ang kakayahang maghanap, pag-aralan, magsuri, bumuo, at kumilos sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng kominikasyon. Sa tulong ng aming seryeng “Be Informed”, hinihikayat namin ang komunidad ng TikTok na pag-isipang maigi hindi lamang ang mga napapanood nilang online content, kundi pati na rin ang nililikha nilang content. Para sa karagdagang impormasyon
Ang paggalang sa pangangatawan ng bawa’t isa
Sa pakikipagtulungan ng National Eating Disorders Association (NEDA)
Inuugnay ng TikTok ang mga taong naghahanap ng suporta gamit ang mga importanteng resources mula sa aming app. Gamit ang mga terminong ibinigay ng NEDA o iba pang termino na hindi ligtas, nire-redirect namin ang mga searches at hashtags sa NEDA Helpline upang makapagbigay sila ng tulong. Para sa karagdagang impormasyon
#MentalHealthMatters
Sa pakikipagtulungan ng The Jed Foundation, The Trevor Project, Providence Health, at Seize the Awkward
Batid naming ang usaping tungkol sa mental health o ang paghingi ng tulong ukol dito ay napakahirap. Nakipagtulungan kami sa mga nangungunang organisasyon na nagtataguyod ng kalusugang pangkaisipan para matulungan silang ipaabot ang kanilang mensahe sa TikTok bilang paraan upang pagyamanin ang patuloy na usapin ng emosyonal na katiwasayan. Para sa karagdagang impormasyon
Screen Time Management
Nakipagtulungan kami sa mga TikTok creators para ilunsad ang aming in-feed screen time management reminders. Ang bersyon ng aming video series na “You’re in Control” ay nagpapaalala sa mga tao na magpahinga at pansamantalang umiwas sa paggamit ng mga device, at nagbibigay rin ito ng impormasyon ukol sa ilan sa aming mga safety features at best practices. Para sa karagdagang impormasyon
Safer Internet Day
Sa pakikipagtulungan ng ConnectSafely
Layunin ng Safer Internet Dayna bumuo ng mas ligas at mas mabuting Internet space, kung saan hinihikayat ang lahat na maging responsable, magalang, matalino at malikhain sa paggamit ng teknolohiya. Noong 2019, naglunsad kami ng mga programa sa Estados Unidos na nakatutok sa digital literacy na isinagawa sa loob ng isang buwan. Bahagi ito ng layunin sa pagitan ConnectSafely at TikTok na tulungan ang mga magulang na pag-aralan ang mga tools at controls ng TikTok at palaguin ang usapin tungkol sa paggamit ng teknolohiya at digital well-being. Para sa karagdagang impormasyon
Parent education
Sa pakikipagtulungan ng Connect Safely, the Family Online Safety Institute, at ng National PTA
Mahalaga ang pakikipagtulungan ng TikTok sa mga pangunahing organisasyon na nagtataguyod ng kaligtasan ng kabataan, tulad ng Connect Safely, Family Online Safety Institute, at National PTA. Nagtutulungan kami para maturuan ang mga tagapag-alaga ukol sa TikTok at kung paano maging ligtas at wais sa paggamit ng Internet ang kanilang mga inaalagaan. Masigasing naming tinuturuan ang mga pamilya ukol sa mga safety tools na nakapaloob sa TikTok.
Tumutulong ang TikTok sa mga sangay ng PTA sa buong US. Ginagamit ang pondong ibinibigay para sa online safety trainings at tulong para sa mga pamilya at komunidad na nagangailangan ng mga device, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan. Para sa karagdagang impormasyon
Paglaban sa Marahas na Ekstremismo
Sa pakikipagtulungan ng Tech Against Terrorism
Naninindigan ang TikTok nang walang kompromiso laban sa marahas na ekstremismo sa loob o labas ng aming platform. Misyon naming magbigay ng inspirasyon sa pagkamalikhain at maghatid ng saya, at anumang pagtatangkang magsulong ng karahasan ay sumasalungat sa misyong ito at sa aming mga pinahahalagahan. Ipinagmamalaki naming maging mga miyembro ng Tech Against Terrorism, na sumusuporta sa industriya ng teknolohiya sa pagharap sa pasasamantala ng terorista sa internet, habang iginagalang ang mga karapatang pantao.
Nagbibigay ng praktikal at operational na suporta ang membership sa Tech Against Terrorism sa mga Trust & Safety team na may gawaing pigilan ang mararahas na ekstremista sa paggawa ng pinsala gamit ang aming platform. Nakikipagtulungan kami sa kanila para patatagin ang aming mga patakaran at manatiling napapanahon sa mga kasalukuyang trend at scholarship.
Safety resources
Kung ikaw o sinuman sa iyong mahal sa buhay ang may mabigat na pinagdaraanan, maaaring makipag-ugnayan sa mga organisasyong makatutulong sa iyong pangangailangan.
Pandaigdigan
- Family Online Safety Institute
- Internet Watch Foundation
- WePROTECT Global Alliance
- National Center for Missing & Exploited Children
Lokal
APAC Content Advisory Council
Sa TikTok, walang tigil ang paghahanap namin ng mga paraan para lumikha ng mabuti at ligtas na online environment para sa aming mga user.
Itinatag ang Asia Pacific Safety Advisory Council upang pormal na makapagtipon ang isang grupo ng independent online safety experts upang magbigay ng payo ukol sa mga paksang may kaugnayan sa pagtitiwala at kaligtasan sa TikTok.
Malawak ang kanilang kaalaman ukol sa mga interesanteng paksa tulad ng cyber wellness, mental well-being, minor protection at countering falsehoods.
Sinadya naming pumili ng mga ekspertong may matatag na opinyon at matibay ang loob na hamunin ang aming ideya. Mahalaga para sa TikTok na makarinig ng iba’t ibang opinyon habang ginagawa ang aming mga produkto, patakaran at proseso para matugunan ang mga nagbabagong pangangailangan ng aming lumalaking komunidad.
Ang mga Miyembro ng Lupon
Jehan Ara, ang nagtatag ng Katalyst Labs and Nest I/O, mula sa Pakistan. Tinatanyag na eksperto sa industriya ng IT at iaambag niya ang kanyang kadalubhasaan ukol sa general content-related issues.
Amitabh Kumar, ang nagtatag ng Social Media Matters, mula sa India. Kilala siya dahil sa kanyang mga pangunguna sa social digital campaigns at tinatanyag sa kanyang digital safety programmes na nakatutok sa gender sensitisation, digital rights at online safety.
Nguyen Phuong Linh, Punong Tagapagpaganap, Management and Sustainable Development Institute, mula sa Vietnam. Itinataguyod niya ang mga karapatan ng mga grupong isinasantabi sa lipunan, lalong lalo na ang mga bata, kabataan, kababaihan, at taong may kapansanan.
Dr. Yuhyun Park, ang nagtagag ng DQ Institute, mula sa Singapore. Taglay niya ang mahalagang karanasan at kadalubhasaan sa digital literacy, skills and readiness.
Prop. Akira Sakamoto, Propesor, Departamento ng Sikolohiya, Pamantasang Ochanomizu, mula sa Japan. Pinag-aaralan niya ang kaugnayan ng media at digital literacy.
Prop. Seungwoo Son, Propesor ng Katiwasayan sa Industriya, Pamantasang Chung-Ang, mula sa South Korea. Tanyag na eksperto sa intellectual property at Internet law, na sakop ang paninirang-puri, pornograpiya, at maling impormasyon.
Anita Wahid, isang aktibista, Gusdurian Network Indonesia at Pangulo, MAFINDO (Indonesia Anti-Hoax Society), mula sa Indonesia. Aktibista sa pag-uugnay ng karapatang pantao at ang paglaban sa panlilinlang na umuunawa sa mga usaping kaugnay sa kaligtasan ng mga bata at sa pangagailangan ng mga content na panrelihiyon.