Inilabas noong Abril 17, 2024
May bisa simula Mayo 17, 2024
Lubha kaming nakatuon sa pagiging ligtas at nagbibigay ng positibong karanasan ng TikTok sa mga taong wala pang 18 taong gulang (tinatawag namin silang "kabataan" o "mga batang indibidwal"). Nagsisimula ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na gulang para gumamit ng TikTok. Kailangang 13 taong gulang pataas ka para magkaroon ng account. May mga karagdagang limitasyon sa edad batay sa lokal na batas sa ilang rehiyon.
Sa United States, may hiwalay na karanasan sa TikTok para sa wala pang 13 taong gulang na nagbibigay ng mga karagdagang proteksyon, kabilang ang paglilimita sa mga interactive na feature, mga pagtatasa sa kaangkupan ng content mula sa Common Sense Networks, at nakalaang Patakaran sa Privacy. Kung gagawa ka ng bagong account sa United States na may petsa ng kapanganakan na nagpapakitang wala ka pang 13 taong gulang, awtomatiko kang papasok sa karanasang ito.
Kapag nalaman namin na wala pa sa minimum na edad para magkaroon ng account sa TikTok ang isang tao, iba-ban namin ang account na iyon. Kung naniniwala kang pagkakamali ang pagka-ban sa iyo, puwede mong iapela ang desisyon. Puwedeng i-report ng sinuman ang mga account na pinaghihinalaan nilang wala pa sa minimum na edad, sa app man o online.
Hindi namin pinapayagan ang content na posibleng magdulot sa kabataan ng pinsala sa aspetong sikolohikal, pisikal, o developmental. Kung malaman naming ang isang may-ari ng account ay may malubhang paglabag o nakagawa ng sekswal na sala laban sa isang batang indibidwal, iba-ban namin ang account, at ang lahat ng account na pagmamay-ari ng taong iyon. Inire-report namin ang mga insidente ng sekswal na pang-aabuso at pananamantala sa kabataan sa Pambansang Sentro para sa mga Nawawala at Napagsamantalahang Bata (National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC). Nagre-report din kami sa mga nauugnay na awtoridad sa pagpapatupad ng batas kapag may partikular, kapani-paniwala, at napipintong banta sa buhay ng tao o malubhang pisikal na pinsala.
Para makapagbigay sa mga batang indibidwal ng karanasan na angkop sa development at ng ligtas na lugar para sa pagtuklas ng sarili, nagsasagawa kami ng ilang hakbang kabilang ang:
Puwede kang matuto pa tungkol sa mga tool, kontrol, at pang-edukasyong content ng TikTok sa aming Portal ng Kabataan at sa aming Gabay ng Tagapangalaga.
Pinapayagan namin ang iba't ibang content sa platform namin, pero ginagawa lang available sa mga nasa hustong gulang ang ilan sa mga ito. Narito ang isang binuong "mabilis na gabay" tungkol sa content na nililimitahan sa mga mas batang audience.
MAY LIMITASYON (18 taong gulang pataas)
Problema sa Pagkain at Hitsura ng Katawan
Mga Mapanganib na Aktibidad at Hamon
Paghuhubad at Pagpapakita ng Katawan
Nakakagulat at Graphic na Content
Karagdagang impormasyon
Ang potensyal na mapanganib na pamamahala sa timbang ay tumutukoy sa mga diyeta, gamot, o ehersisyong ginagamit para sa mabilis o malaking pagbawas sa timbang o pagdagdag ng kalamnan na posibleng magsanhi ng pangmatagalang panganib sa kalusugan o mabuting kalagayan.
Ang katamtamang pisikal na pinsala ay pinsalang hindi malamang na mangailangan ng propesyonal na medikal na panggagamot at hindi nagdadala ng panganib ng kapansanan o pagkasira ng katawan. Kasama rito ang maliliit na hiwa na may kaunting pagdurugo at kaunting pagpapasa sa katawan.
Ang bahagyang kahubaran ay nangangahulugan ng kalakhang kawalan ng damit at malapit nang maging (pero hindi pa talaga) hubad, gaya ng ipinapahiwatig na kahubaran o pagsusuot ng mga damit na natatakpan lang nang kaunti ang malalaswang bahagi ng katawan.
Tumutukoy ang malalaswang bahagi ng katawan sa ari, puwit, at mga dibdib (kabilang ang utong at areola).
Tumutukoy ang mainit na halikan sa halikang posibleng magpahiwatig ng sekswal na pagpukaw o simula ng sekswal na ugnayan.
Tumutukoy ang sexualized na framing sa content na sadyang binibigyang-diin ang mga may damit na malaswang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng mga technique, gaya ng pagkuha ng video, pag-edit, o pagpwesto ng katawan sa harap ng camera.
Tumutukoy ang sekswal na pagkilos sa pagkilos inilalayon na maging sekswal na nakakapukaw, kabilang ang mga performance o paulit-ulit na galaw ng katawan na binibigyang-diin ang malalaswang bahagi ng katawan, at paggaya sa mga sekswal na aksyon.
Tumutukoy angprodukto para sa pagtatalik sa isang bagay o device na idinisenyong magamit para sa sekswal na kasiyahan, gaya ng sex toy.
Angpagsusugal ay pagtaya ng pera (kabilang ang mga digital na currency gaya ng bitcoin) o bagay na may katumbas na halaga ng pera sa isang kaganapan na walang kasiguruhan sa kalalabasan, para kumita.
Tumutukoy ang mga aktibidad na parang pagsusugal sa mga aktibidad na hindi kaantas ng pagsusugal, pero katulad ang pagkilos at may mga kaakibat na katulad na panganib, gaya ng mga social casino at software kaugnay ng pagsusugal.
Kabilang sa mga produktong tabako ang mga produkto para sa vaping, smokeless o combustible na produktong tabako, synthetic na produktong nicotine, e-cigarette, at iba pang Electronic Nicotine Delivery System.
Kasama sa mga kinokontrol na substance ang mga inireresetang gamot, mga gamot na nabibili sa reseta, mga compressed air canister (whippets), at nitrite poppers.