TikTok LogoTikTok Logo
Mga Sensitibo at Pang-mature na Tema

Mga Sensitibo at Pang-mature na Tema

Inilabas noong Abril 17, 2024

May bisa simula Mayo 17, 2024

Nagbibigay ang TikTok ng content na mula sa mga pinakapampamilya hanggang sa mga pinaka-mature. Dahil sa pagkakaiba-iba ng ating pandaigdigang komunidad, nakabatay sa mga pagsasaalang-alang sa pag-unlad at kultura ang aming estratehiya sa mga potensyal na sensitibo at mas mature na content na posibleng ituring na nakakasakit ng iba. Para makilala ang aming prinsipyo ng paggalang sa lokal na konteksto at hindi pagpipilit ng mga pamantayan ng isang bansa sa iba, magkakaiba sa bawat rehiyon ang ilan sa mga paglalapat ng mga patnubay sa seksyong ito.

Sekswal na Aktibidad at Pagbibigay ng mga Serbisyo

Ang TikTok ay isang lugar kung saan ka puwedeng pumunta para pag-usapan o matutunan ang tungkol sa sekswalidad, pagtatalik, o pangreproduktibong kalusugan. Alam namin na may ilang partikular na content na posibleng hindi naaangkop para sa kabataan, posibleng ituring ng ilan na nakakasakit, o posibleng lumikha ng posibilidad na magkaroon ng pananamantala. Hindi namin pinapayagan ang sekswal na aktibidad o serbisyo. Kasama rito ang pakikipagtalik, pagpukaw sa sekswal na pagnanasa, fetish at kink na gawi, at paghahanap o pag-aalok ng mga sekswal na serbisyo. Gayunpaman, hindi kasama rito ang content tungkol sa pang-reproduktibong kalusugan at edukasyon sa sex.

Karagdagang impormasyon

Kasama sa fetish at kink na gawi ang BDSM (bondage, discipline, domination, submission, sadism, at masochism), at mga sekswal na gawi gamit ang mga bagay na hindi pantao o gamit ang mga partikular na bahagi ng katawan (gaya ng fetish sa paa).

Ang pangreproduktibong kalusugan ay tumutukoy sa mabuting kalagayang pisikal, mental at social sa lahat ng usapin kaugnay ng reproductive system at sa mga silbi at proseso nito.

Ang edukasyon sa sex ay tumutukoy sa maraming iba't ibang paksa kaugnay ng sex, sekswalidad, sekswal na kalusugan, at mga ugnayan.

HINDI PINAPAYAGAN

  • Pagpapakita ng penetrative na pagtatalik, hindi penetrative na pagtatalik, o oral na pagtatalik
  • Pagpapakita ng pisikal na pagpukaw sa sekswal na pagnanasa, kasama ang sexual stimulation at pisikal na pagtugon sa pagpukaw sa sekswal na pagnanasa
  • Fetish o kink na aktibidad
  • Mga sekswal na serbisyo, kabilang ang pag-aalok o paghiling ng mga sekswal na aksyon (solicitation), mga sekswal na chat, larawan, pornograpiya, content na eksklusibo para sa mga miyembro, at pag-stream ng content para sa nasa hustong gulang sa pamamagitan ng webcam, gaya ng paghuhubad, pagmomodelo nang hubad, at masturbation (sexcamming)
  • Mga sekswal na chat, larawan, o pornograpiya

PINAPAYAGAN

  • Content tungkol sa pangreproduktibong kalusugan at edukasyon sa sex, gaya ng paggamit ng birth control at pagpapalaglag na tinatalakay sa medikal o siyentipikong konteksto na nauugnay sa mga procedure, operasyon, o eksaminasyon

Paghuhubad at Pagpapakita ng Katawan

Kinikilala namin ang lahat ng hugis at laki at gusto naming maging komportable ka sa kung paano mo ipinapakita ang sarili mo at katawan mo. Nauunawaan naming magkakaiba ang pagtingin ng mga lipunan sa pagpapakita ng katawan at paraan ng pananamit, kaya sinisikap naming maipakita ang mga umiiral na pangkulturang kaugalian. Hindi namin pinapayagan ang kahubaran. Kabilang dito ang hubad na ari, puwit, dibdib ng mga babaeng nasa hustong gulang at bata, at maninipis na damit.

Gusto naming bigyan ang mga kabataan ng karanasang nababagay sa kanilang kasalukuyang yugto sa pagtanda. Hindi namin pinapayagan ang bahagyang kahubaran o kapansin-pansing pagpapakita ng katawan ng mga kabataan. Hindi kwalipikado para sa FYF ang content kung nagpapakita ito ng katawan ng kabataan na posibleng may panganib ng hindi kanais-nais na sekswalisasyon.

Ayaw din naming magpalakas ng content na posibleng hindi angkop para sa malawak na audience. May limitasyon (18 taong gulang pataas) at hindi kwalipikado para sa FYF ang content kung nagpapakita ito ng bahagyang kahubaran ng isang taong nasa hustong gulang. Pinapayagan namin ang mga panrehiyong eksepsyon sa pagpapakita ng katawan sa mga limitadong sitwasyon, gaya ng mga karaniwang pangkulturang kaugalian.

Karagdagang impormasyon

Ang kahubaran ay tumutukoy sa kawalan ng damit at pagpapakita ng hubad na malalaswang bahagi ng katawan na dapat natatakpan nang buo ayon sa mga umiiral na kultural na kagawian. Kabilang dito ang mga hubad na dibdib ng mga babaeng nasa hustong gulang at bata, pero hindi mga lalaking nasa hustong gulang at bata (kabilang ang mga transgender o intersex), o mga taong non-binary. Kinikilala namin na may ilang indibidwal na hindi inilalarawan ang kanilang kasarian batay sa mga binary term, at kinikilala nila ang pagiging komplikado ng paglalapat ng patakarang ito. Kapag nagsusuri ng naturang content, tinitingnan namin kung paano inilalarawan ng isang tao ang kanyang sarili gamit ang first-party na impormasyon at palatandaan, gaya ng mga caption, hashtag, o bio, at pagkatapos ay posible ring tingnan kung paano niya ipinapakita ang kanyang sarili.

Tumutukoy ang malalaswang bahagi ng katawan sa ari, puwit, at mga dibdib (kabilang ang utong at areola).

Ang bahagyang kahubaran ay nangangahulugan ng kalakhang kawalan ng damit at malapit nang maging (pero hindi pa talaga) hubad, gaya ng ipinapahiwatig na kahubaran o pagsusuot ng mga damit na natatakpan lang nang kaunti ang malalaswang bahagi ng katawan.

Ang kapansin-pansing pagpapakita ng katawan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng damit pero may malalaswang bahagi ng katawan na bahagyang walang takip o pagsusuot lang ng malalaswang damit, gaya ng panloob.

HINDI PINAPAYAGAN

  • Pagpapakita ng kahubaran ng mga taong nasa hustong gulang at mga kabataan, kabilang ang litrato at digital na ginawang larawan, gaya ng manga at anime (matuto pa tungkol sa CSAM sa Pananamantala sa Kabataan)
  • Pagpapakita ng bahagyang kahubaran o kapansin-pansing pagpapakita ng katawan ng kabataan, gaya ng mga napakaiiksing pang-itaas, o pagsusuot lang ng panloob o lingerie

MAY LIMITASYON (18 taong gulang pataas)

  • Pagpapakita ng bahagyang kahubaran ng mga nasa hustong gulang, gaya ng pagsusuot lang ng mga takip sa utong o panloob na hindi natatakpan ang malaking bahagi ng puwit

HINDI KUWALIPIKADO PARA SA FYF

  • Pagpapakita ng bahagyang kahubaran ng mga nasa hustong gulang, gaya ng pagsusuot lang ng mga takip sa utong o panloob na hindi natatakpan ang malaking bahagi ng puwit
  • Pagpapakita ng mga kabataang nakadamit na kapansin-pansing nagpapakita ng cleavage, o nakadamit na hubog ng ilang partikular na malaswang bahagi ng katawan (ari at mga utong)
  • Pagpapakita ng mga sanggol at toddler (wala pang 4 na taong gulang) na ipinapahiwatig ang kahubaran o bahagyang ipinapakita ang kanilang mga puwit

PINAPAYAGAN

  • Pagpapakita ng ganap na kahubaran ng mga sanggol habang ipinapanganak
  • Pagpapakita ng mga hubad na dibdib ng mga lalaki at batang lalaki (kabilang ang mga transgender o intersex), nasa hustong gulang at bata, sanggol at toddler (wala pang 4 na taong gulang), at mga taong non-binary
  • Pagpapakita ng buong puwit ng sinuman, at mga hubad na dibdib ng mga babaeng nasa hustong gulang (at ng mga bata, kapag mayroon tayong karagdagang konteksto), sa mga sumusunod na hindi sexualized na tagpo:
    • Kultural na kagawian, gaya ng pagpapasuso, mga populasyong hindi tradisyonal na nagsusuot ng mga takip, o kapag may malalaking tradisyonal na festival ng pagdiriwang (gaya ng Carnival)
    • Mga pandokumentaryo o pang-edukasyong konteksto, gaya ng mga pulitikal na protesta
    • Mga siyentipiko o medikal na konteksto, gaya ng pag-reconstruct ng dibdib pagkatapos ng mastectomy
  • Pagpapakita ng katawan na lumalabas sa mga kultural na katanggap-tanggap na konteksto, gaya ng isang tao na nakasuot ng swimsuit sa dalampasigan o festival, o isang atletang nakasuot ng sports bra

Mahalay na Content

Hinihikayat ka namin na malikhaing ihayag ang sarili mo, ipagdiwang ang kultura mo, o maghangad na magbigay kaaliwan. Alam namin na may ilang partikular na gawi na nauugnay sa pagpukaw ng pagnanasa o sekswal na pagpapahiwatig ang puwedeng nakakasakit sa ilang tao at posibleng ilagay ang kabataan sa panganib na makaranas ng pananamantala. Hindi namin pinapayagan ang content ng kabataan na inilalayon na maging sekswal na mapagpahiwatig. Kasama rito ang mainit na halikan, sexualized na framing, o sekswal na pagkilos. Hindi rin namin pinapayagan ang sekswal na tahasang wika ng sinuman. Pinapayagan namin ang ilang malikhaing content na nagbabanggit ng mga bagay na may kaugnayan sa pagtatalik, gaya ng lyrics ng kanta.

May limitasyon (18 taong gulang pataas) at hindi kwalipikado para sa FYF ang content kung nagpapakita ito ng mainit na halikan, sexualized na framing, o sekswal na pagkilos ng mga nasa hustong gulang, o kung nagpapakita ito ng mga produkto para sa pagtatalik.

Karagdagang impormasyon

Tinutukoy ang layunin para maging malinaw na hindi labag sa mga alituntunin kung sekswal na nakakapukaw ka para sa ibang tao. Gayunpaman, kinikilala rin namin na puwedeng maging subjective ang layunin. Para matulungan kaming maunawaan ito, gumagamit kami ng mga obhetibong pantukoy, kabilang ang isang bio, mga hashtag, at caption (gaya ng "gusto mo ba ang nakikita mo"), o mga tunog (gaya ng pag-ungol). Kinikilala natin na may magkakaibang pananaw ang iba’t ibang rehiyon tungkol sa kung ano ang itinuturing na may sekswal na pahiwatig, na nagbibigay rin ng impormasyon sa aming pagsusuri.

Tumutukoy ang malalaswang bahagi ng katawan sa ari, puwit, at mga dibdib (kabilang ang utong at areola).

Tumutukoy ang mainit na halikan sa halikang posibleng magpahiwatig ng sekswal na pagpukaw o simula ng sekswal na ugnayan.

Tumutukoy ang sexualized na framing sa content na sadyang binibigyang-diin ang mga may damit na malaswang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng mga technique, gaya ng pagkuha ng video, pag-edit, o pagpwesto ng katawan sa harap ng camera.

Tumutukoy ang sekswal na pagkilos sa pagkilos inilalayon na maging sekswal na nakakapukaw, kabilang ang mga performance o paulit-ulit na galaw ng katawan na binibigyang-diin ang malalaswang bahagi ng katawan, at paggaya sa mga sekswal na aksyon.

Tumutukoy ang produkto para sa pagtatalik sa isang bagay o device na idinisenyong magamit para sa sekswal na kasiyahan, gaya ng sex toy.

HINDI PINAPAYAGAN

  • Paggamit ng sekswal na tahasang wika, gaya ng mga graphic na paglalarawan ng mga sekswal na aksyon o pagpukaw
  • Pagpapakita ng mga kabataang nagsasagawa ng:
    • Mainit na halikan, gaya ng halikang kinabibilangan ng mga sarado o bukas na bibig, dila, kagatan, sipsipan, o panghihipo
    • Sexualized na framing, gaya ng pag-crop o pag-magnify ng larawan, pagdaragdag ng digital na effect (kabilang ang sticker o arrow), o pagtuwad para mapansin ang malalaswang bahagi ng katawan
    • Sekswal na pagkilos, gaya ng paulit-ulit na pagyugyog ng dibdib o puwit o pagkadyot ng baywang, striptease, paghipo sa mga may damit na malaswang bahagi ng katawan, o pagdila sa mga gamit na hugis titi habang gumagawa ng mga tunog o nagpapakita ng mukha na nagpapahiwatig ng sekswal na pagpukaw

MAY LIMITASYON (18 taong gulang pataas)

  • Pagpapakita ng mga nasa hustong gulang na mainit na naghahalikan, sexualized ang framing, o may sekswal na pagkilos
  • Pagpapakita ng mga produkto para sa pagtatalik

HINDI KUWALIPIKADO PARA SA FYF

  • Pagpapakita ng mga nasa hustong gulang na mainit na naghahalikan, sexualized ang framing, o may sekswal na pagkilos
  • Pagpapakita ng mga produkto para sa pagtatalik

PINAPAYAGAN

  • Mahahalay na salaysay sa ilang malikhaing content, tulad sa lyrics ng kanta
  • Pagpapakita ng mga halik na pagbati o hindi mainit, gaya ng paghalik sa isang tao sa pisngi, o nang mabilis sa labi

Nakakagulat at Graphic na Content

Bahagi ng saya sa TikTok ang pagkakaroon ng bago at hindi inaasahang content. Pero ang plataporma ay hindi isang lugar para sadyaing gulatin, palungkutin, o pandirihan ng iba. Kinikilala namin na posibleng nakakabahala, nagdudulot ng sikolohikal na pinsala, o nagdudulot ng matinding paghihirap ang ganitong uri ng content. Hindi namin pinapayagan ang madugo, nakakapangilabot, negatibo, nakakabahala, o sobrang marahas na content.

Ang content ay may limitasyon (18 taong gulang pataas) at hindi kwalipikado para sa FYF kung nagpapakita ito ng dugo ng tao o hayop<2031>, matinding pisikal na away, o graphic na video ng mga kaganapang lumalabag sa mga alituntunin namin pero nasa interes ng publiko na mapanood. Hindi rin kwalipikado para sa FYF ang contnt kung nagpapakita ito ng kathang-isip na graphic na karahasan o materyal na potensyal na nakakabalisa o graphic nang kaunti.

Para matulungan kang pamahalaan ang karanasan mo sa TikTok, inilapat namin ang "opt-in" screen o babalang impormasyon sa ilang content, tulad ng dugo ng tao o hayop, pag-atake ng mababangis na hayop sa isa’t isa, propesyonal na labanan, o posibleng nakakabalisa o medyo graphic na materyal.

Karagdagang impormasyon

HINDI PINAPAYAGAN

  • Nagpapakita ng:
    • Torture at graphic na karahasan sa totoong mundo
    • Mga graphic na pagkamatay at aksidente
    • Mga naputol, nasira, nasunog, napaso, o matinding napinsalang katawan

MAY LIMITASYON (18 taong gulang pataas)

  • Nagpapakita ng:
    • Dugo ng tao o hayop
    • Matinding pisikal na away
    • Graphic o posibleng nakakabalisang kuha ng mga kaganapan na nasa interes ng publiko na mapanood, gaya ng pakikipaglaban sa mga tagapagpatupad ng batas o resulta ng pambobomba o likas na sakuna

HINDI KUWALIPIKADO PARA SA FYF

  • Nagpapakita ng:
    • Dugo ng tao o hayop
    • Matinding pisikal na away
    • Graphic o posibleng nakakabalisang kuha ng mga kaganapan na nasa interes ng publiko na mapanood, gaya ng pakikipaglaban sa mga tagapagpatupad ng batas o resulta ng pambobomba o likas na sakuna
    • Kathang-isip na graphic na karahasan
    • Posibleng nakakabalisang materyal na posibleng magdulot ng pagkabalisa o takot, tulad ng mga hindi malalang pinsala at aksidente, patay na hayop, jump scare effect, o madugong make-up
    • Medyo graphic na materyal na posibleng magdulot ng pandidiri, kasama ang mga nangyayari sa katawan ng tao at hayop o mga likido nito (gaya ng ihi o suka), at mga close-up na kuha ng mga organ at ilang hayop (gaya ng mga insekto o daga)

PINAPAYAGAN

  • Nagpapakita ng:
    • Propesyonal na laban, gaya ng boxing at mixed martial arts
    • Dugo na ipinapakita sa isang pang-edukasyong konteksto (gaya ng regla) at mga malikhaing setting (gaya ng fine art)
    • Mga produktong pagkain na galing sa dugo, tulad ng blood sausage, blood o black pudding, curd, o cake

Pang-abuso ng Hayop

Ang TikTok ay isang lugar kung saan iginagalang ang mga hayop at ipinagdiriwang ang mga paraan kung paano pinapaunlad ng mga ito ang ating mga buhay sa iba’t ibang kultura at rehiyon. Hindi namin pinapayagan ang pang-aabuso ng hayop, pagmamalupit, pagpapabaya, pangangalakal, o iba pang anyo ng pananamantala sa mga hayop.

Alamin pa ang tungkol sa pang-aabuso ng hayop, kasama ang kung paano makipag-ugnayan sa mga organisasyon para sa kapakanan ng hayop sa rehiyon mo.

Karagdagang impormasyon

HINDI PINAPAYAGAN

  • Pagpatay, pagputol sa bahagi ng katawan, o pang-aabuso sa mga hayop, kabilang ang pag-aaway ng mga hayop na ginawang panoorin
  • Pagpapakita o pag-promote ng pagmamaltrato o pagpapabaya sa mga hayop, gaya ng malnutrisyon
  • Mga naputol, nasira, nasunog, napaso, o matinding napinsalang hayop
  • Pangangaso nang walang malinaw na legal na permiso (poaching)
  • Sekswal na aktibidad ng isang hayop at isang tao (bestiality)
  • Pagbibigay-daan sa kalakalan o marketing ng mga buhay na hayop, at anumang bahagi ng katawan ng nanganganib nang maubos na hayop, tulad ng mga produkto at gamot na galing sa mga ivory ng elepante, buto ng tigre, sungay ng rhinoceros, o shell ng pawikan

PINAPAYAGAN

  • Mga pagkaing galing sa bahagi ng katawan ng hayop, gaya ng inihaw na paa ng manok
  • Pang-edukasyon at dokumentaryong content na nagbibigay ng kamalayan tungkol sa pang-aabuso ng hayop (basta't hindi ito naglalaman ng lubos na graphic na content ng pang-aabuso ng hayop)