Skip to main content
TikTok LogoTikTok Logo
Kaligtasan at Kapakanan ng Kabataan

Kaligtasan at Kapakanan ng Kabataan

Huling na-update, Mar 2023

Lubha kaming nakatuon sa pagtitiyak na ang TikTok ay isang ligtas na lugar at nagbibigay ng positibong karanasan sa mga taong wala pang 18 taong gulang (tinatawag namin silang “kabataan” o “mga batang indibidwal”). Nagsisimula ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na gulang para gumamit ng TikTok. Kailangang 13 taong gulang ka na at pataas para magkaroon ng account. May mga karagdagang limitasyon sa edad batay sa lokal na batas sa ilang rehiyon. Sa Estados Unidos, may hiwalay na karanasan sa TikTok para sa wala pang 13 taong gulang, na nagbibigay ng mas limitadong karanasan na idinisenyo nang may karagdagang pangkaligtasang proteksyon at may inilaang Patakaran sa Privacy. Kapag nalaman namin na wala pa sa minimum na edad ang isang taong nasa TikTok, iba-ban namin ang account. Kung naniniwala ang isang may-ari ng account na isang pagkakamali ang pagka-ban sa kanila, puwede niyang iapela ang desisyon. Puwedeng iulat ng mga miyembro ng komunidad iyong pinaniniwalaan nilang wala pa sa minimum na edad, sa app man o online.

Priyoridad namin ang kaligtasan ng kabataan. Hindi namin pinapayagan ang content na posibleng maglagay sa kabataan sa panganib ng pananamantala, o sa sikolohikal, pisikal, o pag-unlad na pinsala. Kasama rito ang materyal ng sekswal na pang-aabuso sa bata (Child Sexual Abuse Material o CSAM), pang-aabusong kabataan, pambu-bully, mga mapanganib na aktibidad at hamon, pagkalantad sa mga lantarang tema na para sa mga nasa hustong gulang, at pagkonsumo ng alak, tabako, droga, o mga nireregulang produkto. Kung may malaman kaming pananamantala ng kabataan sa aming plataporma, iba-ban namin ang account, pati na rin ang anupamang account na pagmamay-ari ng taong iyon.

Layunin naming bigyan ang kabataan ng karanasang angkop sa kanilang pag-unlad at nakakatulong na matiyak ang pagkakaroon ng isang lugar para tuklasin ang sarili. Nagsasagawa kami ng maraming hakbang kasama ang: (1) paglilimita ng access sa ilang partikular na feature ng produkto, (2) pagbuo ng Mga Antas ng Content na inuuri ang content ayon sa mga antas ng pagiging komportable batay sa tema, (3) paggamit ng mapaglimitang default na mga setting ng privacy, at (4) paggawang hindi kuwalipikado ang content na ginawa ng sinumang wala pang 16 na taong gulang para sa For You feed (FYF). Kailangan mong maging 16 taong gulang at pataas para gamitin ang mga direktang mensahe, at maging 18 taong gulang para mag-Live, magpadala ng mga regalo sa isang creator habang nasa LIVE session, o gumamit ng mga feature ng monetization. Puwede kang matuto nang higit pa tungkol sa mga tool, kontrol, at pang-edukasyong content ng TikTok sa aming Portal ng Kabataan at sa aming Gabay ng Tagapangalaga.

Sa mga susunod na seksyon, marami kaming patakaran para i-promote ang kaligtasan ng kabataan sa plataporma. I-click para sa karagdagang impormasyon at isang pinagsama-samang listahan ng lahat ng patakarang partikular sa kabataan.

Ang Materyal ng Sekswal na Pang-aabuso ng Bata (Child Sexual Abuse Material o CSAM) ay tumutukoy sa anumang sexualized na materyal ng isang batang indibidwal na ibinahagi o ginawa ng sinuman, kasama ang CSAM na ikaw mismo ang gumawa. Kasama rito ang mga ipinapahiwatig o malinaw na nakikitang mga sekswal na gawain at sekswal na pag-atake sa kabataan, pati na rin ang sekswalisasyon o fetishization ng kanilang katawan.

Kasama sa kapansin-pansing pagpapakita ng katawan ang pagpapakita ng bahagi na may bulbol at puwit, o pahiwatig na paghuhubad, gaya ng paggamit ng isang bagay para takpan ang nakahubad na ari. Para sa kabataan, kasama na rin dito ang pagsusuot ng kakarampot na damit, gaya ng pagsusuot lang ng panloob.

Kasama sa katamtamang pagpapakita ng katawan ang pagpapakita ng mapapansing hubog ng tinakpang ari, mga utong na maaaninag sa damit, at nakalantad na bahagi malapit sa isang maselang bahagi ng katawan, gaya ng bahagi ng dibdib at itaas na bahagi ng hita.

Kasama sa mga mapang-akit na performance ang ilang paggalaw ng katawan na naglalayong pukawin ang sekswal na pagnanasa, gaya ng unti-unting paghuhubad (striptease), paggiling ng balakang, pag-alog ng dibdib, at paghimas.

Ang sekswal na pag-pose ay asal na may layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa, sa pamamagitan ng kombinasyon ng: (1) pagtatampok ng maseselang bahagi ng katawan, gaya ng pag-zoom in sa ari, o paggamit ng kamay para i-frame ang dibdib; at (2) mga bulgar na sekswal na pahayag, kabilang ang mahahalay na caption (gaya ng “gusto mo ba ang nakikita mo?”).

Ang pahiwatig para sa sekswal na aktibidad ay gawing may layuning ipaisip ang sekswal na gawain, kabilang ang paggaya sa mga sekswal na gawain (gaya ng pagdila sa isang bagay na kahugis ng ari ng lalaki), tunog (gaya ng pag-ungol), at ekspresyon ng mukha (gaya ng mukhang “O” para gayahin ang isang orgasm).

HINDI pinapayagan

  • Ang sekswal na pananamantala ng kabataan, kasama na ang materyal ng sekswal na pang-aabuso ng bata (CSAM), grooming, panghihikayat, at pedophilia
  • Pisikal na pang-aabuso, pagpapabaya, pagsasapanganib, at sikolohikal na pang-aabuso ng kabataan
  • Trafficking ng kabataan, pag-promote o pangangasiwa ng pagpapakasal ng menor de edad, at pag-recruit ng mga batang sundalo
  • Sekswal na aktibidad ng kabataan
  • Paghuhubad o kapansin-pansing pagpapakita ng katawan ng kabataan
  • Mga pahiwatig para sa sekswal na aktibidad ng kabataan
  • Mga mapang-akit na performance ng kabataan
  • Pagkonsumo ng alak, mga produktong tabako, at droga ng kabataan

May limitasyon sa edad (18 taong gulang at pataas)

  • Kosmetikong operasyon na walang kasamang babala ng panganib, kasama na ang mga larawan bago at pagkatapos, mga video ng mga pamamaraan ng operasyon, at mga mensaheng tumatalakay sa kosmetikong operasyon na pinili ng pasyente
  • Mga aktibidad na malamang na gayahin at posibleng magdulot ng anumang pisikal na pinsala
  • Kapansin-pansing pagpapakita ng katawan ng mga nasa hustong gulang
  • Mga mapang-akit na performance ng mga nasa hustong gulang
  • Sexualized na pag-pose ng mga nasa hustong gulang
  • Mga pahiwatig para sa sekswal na aktibidad ng mga nasa hustong gulang
  • Dugo ng mga tao at hayop
  • Pagkonsumo ng mga nasa hustong gulang ng napakaraming alak
  • Pagkonsumo ng mga nasa hustong gulang ng mga produktong tabako

Hindi kuwalipikado para sa FYF

  • Anumang content na ginawa ng account ng isang wala pang 16 na taong gulang
  • Katamtamang pagpapakita ng katawan ng kabataan
  • Mainit na paghahalikan o sekswal na pagpo-pose ng kabataan

Susunod na artikulo

Kaligtasan at Pagkamagalang

Basahin ang susunod