Skip to main content
TikTok LogoTikTok Logo
Mga Pamantayan sa Pagiging Kuwalipikado sa For You feed

Mga Pamantayan sa Pagiging Kuwalipikado sa For You feed

Huling na-update, Mar 2023

Ang For You feed (FYF) ay isang natatanging feature ng TikTok na gumagamit ng personalized na sistema ng rekomendasyon para magkaroon ang bawat miyembro ng komunidad ng kakayahang tumuklas ng malalawak na content, creator, at paksa. Sa pagtukoy sa kung ano ang irerekomenda, isinasaalang-alang ng sistema ang mga salik ng account gaya ng mga like, share, komento, paghahanap, pagkakaiba-iba ng content, at sikat na video. Alamin pa ang tungkol sa sistema ng rekomendasyon, pati na rin ang mga tool para sa pag-customize ng mga rekomendasyon.

Posibleng ayos lang ang ilang partikular na uri ng content kung paminsan-minsan lang itong makita, pero nagdudulot ng problema kung magkakasamang titingnan (gaya ng mga video na nagtatampok ng pagda-diet, matinding fitness, kalungkutan, o sekswal na pagmungkahi). Ang ganitong uri ng content ay puwedeng maging kuwalipikado para sa FYF pero, para maprotektahan ang ating komunidad, pipigilan namin ang mga paulit-ulit na pattern ng content para matiyak na hindi ito madalas na nakikita. Alamin pa ang tungkol sa aming estratehiya sa pagprotekta at pag iiba-iba ng mga rekomendasyon.

Pinapanatili namin ang mga pamantayan sa pagiging kuwalipikado para sa FYF na binibigyang priyoridad ang kaligtasan at nakabatay sa pagiging magkakaiba-iba ng aming komunidad at mga pamantayan sa kultura. Bagama’t ang spontaneity ng FYF ang dahilan kung bakit natatangi ang TikTok, inilaan ito para sa iba’t ibang audience na kinabibilangan ng lahat mula sa kabataan hanggang sa mga lolo’t lola sa tuhod. Ginagawa naming hindi kuwalipikado para sa FYF ang ilang uri ng content na posibleng hindi angkop sa malaking audience na nauugnay sa: (1) Kalusugan ng Pag-uugali, (2) Mga Temang Sensitibo at Para sa Nasa Hustong Gulang (3) Integridad at Pagiging Totoo, at (4) Mga Kinokontrol na Produkto. Puwede rin naming gawin na mas mahirap makita ang ilan sa ganitong content.

Alam din namin na nagbibigay-daan ang FYF para magkaroon ng malaking audience ang mga creator, na hindi palaging angkop sa ilang batang indibidwal. Para mabigyan ang kabataan ng angkop na lugar para tumuklas, hindi rin namin ginagawang kuwalipikado para sa FYF ang anumang content mula sa mga creator na wala pang 16 na taong gulang.

Puwede pa ring matuklasan sa ibang paraan ang content na hindi kuwalipikado para sa FYF, gaya ng sa pamamagitan ng search tool o pag-follow sa isang account. Para sa pinagsama-samang listahan ng mga partikular na uri ng content na hindi kuwalipikado para sa FYF, sumangguni sa “Karagdagang impormasyon” sa ibaba.

Pinapayagan ang sumusunod na mga uri ng content sa aming plataporma pero hindi nakatugon sa aming mga pamantayan para sa For You Feed (FYF). Para sa karagdagang talakayan, gamitin ang mga link para bisitahin ang bawat isa sa mga paksa sa itaas.

Dapat tandaan na kapag hindi nakakuha ng maraming view ang isang video, posibleng dahil ito sa kakulangan ng engagement sa komunidad sa halip na pagiging hindi kuwalipikado para sa FYF. Puwedeng gamitin ng mga creator ang TikTok analytics tool para masubaybayan ang performance ng kanilang mga video.

Hindi kuwalipikado para sa FYF

  • Kaligtasan ng Kabataan
    • Anumang content na ginawa ng account ng isang wala pang 16 na taong gulang
  • Mga Mapanganib na Aktibidad at Hamon
    • Pagpapakita ng mga aktibidad na may nakikita o napipintong katamtamang pisikal na pinsala
    • Pagpo-promote ng mga aktibidad na hahantong sa katamtamang pisikal na pinsala
    • Pagpapakita ng mga extreme sport o stunt na isinasagawa ng mga propesyonal sa pampublikong lugar, tulad ng mga pagtalon at trick sa skateboarding at freestyle bicycle motocross (BMX)
  • Pagpapakita ng Katawan
    • Kapansin-pansing pagpapakita ng katawan ng mga nasa hustong gulang
    • Katamtamang pagpapakita ng katawan ng kabataan
  • Mahalay na Content
    • Mga sex product, gaya ng mga sex toy
    • Mainit na halikan
    • Sexualized na pag-pose
    • Mga mapang-akit na performance ng mga nasa hustong gulang
    • Mga pahiwatig para sa sekswal na aktibidad ng mga nasa hustong gulang
  • Nakakagulat at Graphic na Content
    • Graphic o posibleng nakakabalisang kuha ng mga kaganapan na nasa pampublikong interes para panoorin, gaya ng pakikipaglaban sa mga tagapagpatupad ng batas o resulta ng pambobomba o likas na sakuna
    • Kathang-isip na graphic nakarahasan at matinding pisikal na labanan
    • Dugo ng mga tao at hayop
    • Posibleng nakakabalisang materyal na posibleng magdulot ng pagkabalisa o takot, gaya ng mga di-malubhang pinsala, aksidente, jump scare effect, at madugong make-up
    • Medyo graphic na materyal na posibleng magdulot ng pandidiri, tulad ng mga nangyayari sa katawan ng tao at hayop o mga likido nito (gaya ng ihi o suka), patay na hayop, at mga close-up na kuha ng mga organ at ilang hayop (gaya ng mga insekto at daga)
    • Ari at sekswal na aktibidad ng mga hayop
  • Maling Impormasyon
    • Mga karaniwang conspiracy theory na walang basehan at nagsasabing isinasagawa ng mga lihim o makapangyarihang grupo, gaya ng “gobyerno” o ng isang “lihim na lipunan,” ang ilang partikular na kaganapan o sitwasyon
    • Hindi na-beripika na impormasyon na may kaugnayan sa emergency o nangyayaring kaganapan kung saan nagkakaroon pa lang ng mga detalye
    • Maling impormasyon na posibleng magdulot ng malaking pinsala habang sinusuri ang pagiging totoo nito
  • Integridad ng Publiko at Halalan
    • Hindi na-beripika na impormasyon tungkol sa resulta ng isang halalan na kasalukuyang pang nangyayari at posibleng mali o mapanlinlang
  • Pekeng Engagement
    • Content na nanloloko o nagmamanipula sa iba bilang paraan para pataasin ang metrics ng engagement, gaya ng mga pangakong “like para sa like” at mga di-totoong insentibo kapalit ng pakikipag-engage sa content
  • Hindi Orihinal na Content at mga QR Code
    • Ni-reproduce o hindi orihinal na content na in-import o in-upload nang walang anumang bago o mga malikhaing edit, gaya ng content na may nakikitang watermark dahil gawa ito ng iba o content na may ipinatong na logo
    • Content na mababa ang kalidad, gaya ng sobrang maiikling clip at mga exclusively-GIF based video
    • Mga QR code (maliban na lang kung mababa lang ang panganib nito na makapinsala, gaya ng nasa konteksto ng e-commerce)
  • Alak, Tabako, at mga Droga
    • Pagkonsumo ng mga nasa hustong gulang ng napakaraming alak
    • Pagkonsumo ng mga nasa hustong gulang ng mga produktong tabako

Mahahalagang kahulugan:
Kabilang sa kapansin-pansing pagpapakita ng katawan ang pagpapakita ng bahagi na may bulbol at puwit, o pahiwatig na paghuhubad, gaya ng paggamit ng isang bagay para takpan ang nakahubad na ari. Para sa kabataan, kasama na rin dito ang pagsusuot ng kakarampot na damit, gaya ng pagsusuot lang ng panloob.
Kabilang sa katamtamang pagpapakita ng katawan ang pagpapakita ng mapapansing hubog ng tinakpang ari, mga utong na maaaninag sa damit, at nakalantad na bahagi malapit sa isang maselang bahagi ng katawan, gaya ng bahagi ng dibdib at itaas na bahagi ng hita.
Ang sekswal na pag-pose ay asal na may layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa, sa pamamagitan ng kombinasyon ng: (1) pagtatampok ng maseselang bahagi ng katawan, gaya ng pag-zoom in sa ari, o paggamit ng kamay para i-frame ang dibdib; at (2) mga bulgar na sekswal na pahayag, kabilang ang mahahalay na caption (gaya ng “gusto mo ba ang nakikita mo?”).
Ang pahiwatig para sa sekswal na aktibidad ay gawi na may layuning ipaisip ang sekswal na gawain, kabilang ang paggaya sa mga sekswal na gawain (gaya ng pagdila sa isang bagay na kahugis ng ari ng lalaki), tunog (gaya ng pag-ungol), at ekspresyon ng mukha (gaya ng mukhang “O” para gayahin ang isang orgasm).
Ang mga conspiracy theory ay mga paniniwala tungkol sa mga di-maipaliwanag na kaganapan o nagsasangkot ng pagtatuwa sa mga paliwanag na tinatanggap ng karamihan tungkol sa mga kaganapan at sinasabing isinagawa ang mga ito ng mga lihim o makapangyarihang grupo.
Kabilang sa mga produktong tabako ang mga produkto para sa vaping, smokeless o combustible na produktong tabako, synthetic na produktong nicotine, e-cigarette, at iba pang Electronic Nicotine Delivery System.


Susunod na artikulo

Mga Account at Feature

Basahin ang susunod