TikTok LogoTikTok Logo
Kalusugan ng Pag-iisip at Gawi

Kalusugan ng Pag-iisip at Gawi

Inilabas noong Abril 17, 2024

May bisa simula Mayo 17, 2024

Lubos naming pinapangalagaan ang kapakanan mo at gusto naming maging pinagkukunan ng kasiyahan, pag-unlad, at pagiging kabilang. Tinatanggap namin ang pagsasama-sama ng mga tao para makahanap ng mga ugnayan, makilahok sa magkakaparehong karanasan, at maramdamang bahagi ng isang mas malawak na komunidad. Nagsisikap kaming siguraduhin na nangyayari ito sa isang nakakatulong na lugar na hindi negatibong nakakaapekto sa pisikal o sikolohikal na kalusugan mo.

Pagpapakamatay at Pananakit sa Sarili

Gusto naming gawing isang lugar ang TikTok kung saan puwede mong pag-usapan ang mga emosyonal na komplikadong paksa sa isang nakakatulong na paraan nang hindi dinaragdagan ang panganib na mapinsala. Hindi namin pinapayagan ang pagpapakita, pagpo-promote, o pagbabahagi ng mga plano para magpakamatay o saktan ang sarili.

Kung ikaw o isang kakilala mo ay nakakaisip na magpakamatay o saktan ang sarili, may available na suporta. Makipag-ugnayan sa helpline ara sa pag-iwas sa pagpapakamatay sa inyong rehiyon o sa inyong mga lokal na pang-emergency na serbisyo. Puwede kaming makipag-ugnayan sa mga lokal na pang-emergency na serbisyo, kung may isang partikular, maaasahan, at napipintong banta sa buhay ng tao o malalang pisikal na pinsala, gaya ng pagbabahagi ng mga detalye tungkol sa isang planong saktan ang sarili mo.

Karagdagang impormasyon

HINDI PINAPAYAGAN

  • Pagpapakita, pag-promote, o pagbibigay ng mga instruksyon tungkol sa pagpapakamatay o pananakit sa sarili, at mga kaugnay na hamon, dare, laro, at kasunduan, kasama ang pagtukoy o paglalarawan ng mga paraan
  • Pagpapakita o pag-promote ng mga hoax kaugnay ng pagpapakamatay o pananakit sa sarili
  • Pagbabahagi ng mga plano na magpakamatay o saktan ang sarili

PINAPAYAGAN

  • Pagbabahagi ng mga mensahe ng pag-asa o kwento ng mga personal na karanasan na napagtagumpayan ang mga tukso na magpakamatay o saktan ang sarili (basta't walang pagbanggit ng mga paraan ng pagpapakamatay o pananakit sa sarili)
  • Pagbabahagi ng content tungkol sa pag-iwas sa pagpapakamatay o pananakit sa sarili, gaya ng impormasyon tungkol sa mga babalang palatandaan ng pagpapakamatay o kung paano magkaroon ng access sa propesyonal na tulong
  • Pagbabahagi ng tumpak na impormasyon na sinusubukang bawasan ang pagkataranta tungkol sa mga hoax ng pagpapakamatay

Problema sa Pagkain at Hitsura ng Katawan

Gusto naming gawing isang lugar ang TikTok kung saan hinihikayat ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili at hindi nagpo-promote ng mga negatibong pagkukumpara sa mga tao. Hindi namin pinapayagan ang pagpapakita o pag-promote ng pagkain nang may disorder at mga mapanganib na gawi sa pagbawas ng timbang, o pagbibigay-daan sa kalakalan o marketing ng mga produkto para sa pagbawas ng timbang o pagdagdag ng kalamnan.

Ang content ay may limitasyon (18 taong gulang pataas) at hindi kwalipikado para sa FYF kung nagpapakita o nagpo-promote ito ng potensyal na mapaminsalang pamamahala sa timbang, o nagma-market ng mga produkto para sa pagbawas ng timbang o pagdagdag ng kalamnan. Ang content ay may limitasyon (18 taong gulang pataas), at hindi kuwalipikado para sa FYF sa ilang rehiyon, kung nagpapakita ito ng kosmetikong operasyon at walang kasamang babala ng panganib.

Kung ikaw o isang kakilala mo ang nakakaranas ng mga alalahanin tungkol sa hitsura ng katawan, pagkain, o pag-eehersisyo, may available na suporta. Makipag-ugnayan sa isang helpline sa inyong rehiyon.

Karagdagang impormasyon

Ang pagkain nang may disorder at mga mapanganib na gawi sa pagbawas ng timbang ay tumutukoy sa labis na pagdidiyeta o fasting, o maling paggamit ng gamot o pagsasagawa ng ehersisyo para sa pagbawas ng timbang na posibeng makagawa ng malaki at agarang panganib sa kalusugan o mabuting kalagayan.

Ang potensyal na mapanganib na pamamahala sa timbang ay tumutukoy sa mga diyeta, gamot, o ehersisyong ginagamit para sa mabilis o malaking pagbawas sa timbang o pagdagdag ng kalamnan na posibleng magsanhi ng pangmatagalang panganib sa kalusugan o mabuting kalagayan.

HINDI PINAPAYAGAN

  • Pagpapakita, paglalarawan, pag-promote, o pag-aalok o paghiling ng coaching para sa pagkain nang may disorder o mga mapanganib na gawi sa pagbawas ng timbang, kabilang ang:
    • Mga labis na diyetang mababa sa calorie
    • Pagkain nang labis at sadyang pagsusuka
    • Maling paggamit ng gamot o mga supplement para sa pagbawas ng timbang
    • Pag-eehersisyo sa kabila ng malulubhang injury o sakit
  • Pagpapakita o pagpo-promote ng hindi malusog na sukat ng katawan at mga trend sa "body checking", gaya ng pagkukumpara ng sukat ng bahagi ng katawan sa mga bagay sa bahay
  • Pagbibigay-daan sa kalakalan o marketing ng mga produkto para sa pagbawas ng timbang o pagdagdag ng kalamnan

MAY LIMITASYON (18 taong gulang pataas)

  • Pagpapakita, paglalarawan, pag-promote, o pag-aalok o paghiling ng coaching para sa potensyal na mapaminsalang gawi sa pamamahala ng timbang kabilang ang:
    • Mga mapanglimitang diyetang mababa sa calorie, gaya ng pinatagal na intermittent fasting
    • Paggamit ng gamot o mga supplement para sa pagbawas ng timbang o pagdagdag ng kalamnan, gaya ng paggamit ng anabolic steroid
    • Mga ehersisyong idinisenyo para sa mabilis at malaking pagbawas sa timbang, gaya ng mga cardio routine na nangangakong tulungan kang mapaliit ang baywang sa loob ng isang linggo
  • Pag-promote ng mga produkto para sa pagbawas ng timbang o pagdagdag ng kalamnan, gaya ng pagbabahagi ng before-and-after na pagbabago
  • Pag-promote ng mga uri ng katawan bilang ideyal o perpekto, kapag nauugnay sa mga potensyal na mapaminsalang gawi sa pamamahala sa timbang
  • Pagpapakita o pagpo-promote ng kosmetikong operasyon na walang kasamang babala ng panganib, kasama na ang mga larawan bago at pagkatapos, mga video ng mga procedure ng operasyon, at mga mensaheng tumatalakay sa kosmetikong operasyon na pinili ng pasyente

HINDI KUWALIPIKADO PARA SA FYF

  • Pagpapakita, paglalarawan, pag-promote, o pag-aalok o paghiling ng coaching para sa potensyal na mapaminsalang gawi sa pamamahala ng timbang kabilang ang:
    • Mga mapanglimitang diyetang mababa sa calorie, gaya ng pinatagal na intermittent fasting
    • Paggamit ng gamot o mga supplement para sa pagbawas ng timbang o pagdagdag ng kalamnan, gaya ng paggamit ng anabolic steroid
    • Mga ehersisyong idinisenyo para sa mabilis at malaking pagbawas sa timbang, gaya ng mga cardio routine na nangangakong tulungan kang mapaliit ang baywang sa loob ng isang linggo
  • Pag-promote ng mga produkto para sa pagbawas ng timbang o pagdagdag ng kalamnan, gaya ng pagbabahagi ng before-and-after na pagbabago
  • Pag-promote ng mga uri ng katawan bilang ideyal o perpekto, kapag nauugnay sa mga potensyal na mapaminsalang gawi sa pamamahala sa timbang
  • Pagpapakita o pagpo-promote ng kosmetikong operasyon na walang kasamang babala ng panganib, kasama na ang mga larawan bago at pagkatapos, mga video ng mga procedure ng operasyon, at mga mensaheng tumatalakay sa kosmetikong operasyon na pinili ng pasyente

PINAPAYAGAN

  • Pagbatikos sa problema sa pagkain, mga mapanganib na gawi sa pagbabawas ng timbang, o potensyal na mapaminsalang pangangasiwa ng timbang (basta't hindi ito nagpapakita o naglalarawan ng diyeta o gawi)
  • Pagpapakita o paglalarawan ng:
    • Mga paligsahan sa pagkain, gaya ng mga hot dog-eating contest at pie-eating contest
    • Mga fitness routine at nutrisyon na hindi pangunahing nakatuon sa matinding pagbawas ng timbang, gaya ng paghahanda para sa mga paligsahan sa sports, pagsasanay para sa marathon, o mga kumpetisyon sa body building
    • Medikal na kinakailangang operasyon, gaya ng paglalagay ng mga larawan bago at pagkatapos ng pag-aayos ng isang cleft lip, reconstruction ng dibdib pagkatapos ng mastectomy, o gender affirmation na operasyon
    • Medikal na kinakailangang interbensyon para sa kalusugan nang may gabay ng medikal o pangkalusugan propesyonal, gaya ng mga naglilimitang diyeta bago ang operasyon
    • Relihiyosong gawi sa diyeta at fasting
    • Mga pisikal na kapansanan at mga katawang may ibang kakayahan

Mga Mapanganib na Aktibidad at Hamon

Malugod naming tinatanggap ang mga oportunidad na lumahok sa mga masaya at malikhaing trend. Karamihan sa mga aktibidad o hamon ay angkop para sa lahat at nagdudulot ng pagsasama-sama ng mga tao, pero may ilang nagdadala ng panganib ng malubhang injury. Hindi namin pinapayagan ang pagpapakita o pagpo-promote ng mga mapanganib na aktibidad at hamon.

May limitasyon ang content (18 taong gulang pataas) kung nagpapakita ito ng aktibidad na malamang na gayahin at posibleng humantong sa pisikal na pinsala. Ang content ay hindi kwalipikado para sa FYF kung nagpapakita ito ng aktibidad na malamang na humantong sa katamtamang pisikal na pinsala. Para tulungan kang pamahalaan ang karanasan mo sa TikTok, naglalapat din kami ng babalang impormasyon sa ganitong uri ng content, at sa content na nagpapakita ng mga propesyonal na nagsasagawa ng mga extreme sports at stunt. Alamin pa ang tungkol sa ano ang gagawin kapag may nakita kang online na hamon.

Karagdagang impormasyon

Ang mga mapanganib na aktibidad at hamon ay mga aksyong isinasagawa ng mga hindi propesyonal na nagdadala ng mga likas o nalalamang panganib at posibleng magresulta sa malaking pisikal na pinsala. Kasama rito ang mga udyok, laro, pakana, hindi naaangkop na paggamit ng mga mapanganib na tool, at pagkain ng mga substance na mapanganib sa kalusugan ng indibidwal.

Ang malubhang pisikal na pinsala ay pinsalang karaniwang nangangailangan ng propesyonal na medikal na panggagamot at nagdadala ng panganib ng pansamantala o permanenteng kapansanan o pagkasira ng katawan. Kasama rito ang mga na-dislocate o nabaling buto, pagkalason, kawalan ng malay, malalang paso, pagkakuryente, pagkaalog ng utak, at pagkasakal.

Ang katamtamang pisikal na pinsala ay pinsalang hindi malamang na mangailangan ng propesyonal na medikal na panggagamot at hindi nagdadala ng panganib ng kapansanan o pagkasira ng katawan. Kasama rito ang maliliit na hiwa na may kaunting pagdurugo at kaunting pagpapasa sa katawan.

HINDI PINAPAYAGAN

  • Pagpapakita ng mapanganib na aktibidad na may makikita o napipintong malubhang pisikal na panganib, o pagpo-promote ng mapanganib na aktibidad
  • Pagpapakita o pag-promote ng:
    • Hindi naaangkop na paggamit ng mga mapanganib na tool, gaya ng mga kutsilyo, palakol, chainsaw, o welding torch
    • Pagkain o pag-inom ng mga substance na mapanganib na ikonsumo ng mga tao, gaya ng mga bato o sabon
    • Mga mapanganib na gawi sa pagmamaneho, gaya ng paglampas sa limitasyon sa bilis, pagpapatakbo sa kabila ng red light, o hindi pagtuon sa pagmamaneho (kasama ang pag-live stream habang nagmamaneho)

MAY LIMITASYON (18 taong gulang pataas)

  • Pagpapakita ng aktibidad na may makikita o napipintong katamtamang pisikal na panganib, o pagpo-promote ng aktibidad na malamang na magdulot ng katamtamang pisikal na pinsala
  • Pagpapakita ng aktibidad na malamang na gayahin at posibleng magdulot ng anumang pisikal na pinsala

HINDI KUWALIPIKADO PARA SA FYF

  • Pagpapakita ng aktibidad na may makikita o napipintong katamtamang pisikal na panganib, o pagpo-promote ng aktibidad na malamang na magdulot ng katamtamang pisikal na pinsala

PINAPAYAGAN

  • Paggamit ng mga armas, gaya ng mga sibat at kalasag, sa mga setting para sa pagsasagawa ng seremonya, mga panrelihiyong festival, at pangkulturang kaugalian