Skip to main content
Mga Paksa

Pag-iwas sa Sekswal na Pang-aabuso ng Bata sa TikTok

Ilegal ang sexualized na content ng mga bata at puwede itong humantong sa pagkakakulong. Hinding-hindi kinukunsinti ng TikTok ang sekswal na pang-aabuso ng bata at sexualized na content ng mga taong wala pang 18 taong gulang.

Ang sexualized na content ng mga menor de edad o Child Sexual Abuse Material (Materyal ng Sekswal na Pang-aabuso ng Bata, CSAM) ay anumang nakikita, nakasulat, at naririnig na paglalarawan o paggawa ng tasahan o nahinuhang sekswal na pag-atake ng bata at pananamantala ng bata. Ilegal ang paggawa, pagtingin, pagkuha, at pagbabahagi ng ganitong content at inilalagay nito ang kabataan sa matinding panganib.

Paano makakuha ng suporta

Kung tumingin ka o sinubukan mong tumingin ng materyal ng sekswal na pang-aabuso ng bata, o nag-isip o nakaramdam ka ng mga sekswal na bagay sa isang menor de edad, may mga organisasyong makakatulong. Makipag-ugnayan din para sa tulong kung nag-aalala ka sa ikinikilos ng ibang tao.

Sa TikTok, nakikipagtulungan kami sa mga pinagkakatiwalaang organisasyon na nag-aalok ng libre at kumpidensyal na suporta sa pamamagitan ng live chat at telepono. Nasa ibaba ang mga organisasyong makakatulong:

Pandaigdigan

Lokal

Paano mag-report ng sekswal na content ng isang taong wala pang 18 taong gulang

Kung may makikita kang content na sumusuporta, nagpo-promote, gumagawa, o nagbabahagi ng sexualized na content ng mga pinaghihinalaang menor de edad (kilala rin bilang Materyal ng Sekswal na Pang-aabuso ng Bata, Child Sexual Abuse Material o CSAM) sa TikTok, dapat mong gawin ang mga sumusunod:

  • Huwag magkomento, magbahagi, o makipag-interact sa content.
  • I-report ang content sa TikTok. Para i-report ang content:
    1. Sa TikTok app, pindutin nang matagal ang video
    2. I-tap ang I-report, pagkatapos ay i-tap ang Kaligtasan ng menor de edad.
    3. Piliin ang Pang-aabuso ng Bata, pagkatapos ay i-tap ang Isumite.
  • Puwede ka ring mag-report sa pinagkakatiwalaang organisasyon o sa iyong lokal na tagapagpatupad ng batas.